FACT CHECK: Walang ABS-CBN report tungkol sa isang investment scheme | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Walang ABS-CBN report tungkol sa isang investment scheme

ABS-CBN Research and Verification Unit,
Ciara Annatu
Published Mar 18, 2025 10:11 PM PHT

Hindi totoo at manipulado ang diumano’y ulat ng ABS-CBN News tungkol sa isang investment scheme na ineendorso diumano nina tech billionaire Elon Musk, business tycoon Enrique Razon, at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa magkahiwalay na manipuladong bidyo, ginamit ang boses nina ABS-CBN News anchor Stanley Palisada at Pia Gutierrez gamit ang deepfake teknik para palabasin na nag-uulat sila tungkol sa isang investment scheme. Ngunit, mapapansin na hindi tugma ang buka ng kanilang bibig sa kanilang sinasabi.

Ayon sa pekeng ulat, makatatanggap ng milyun-milyong piso ang gagamit ng nasabing scheme basta’t magbibigay ng P15,000. Ineendorso umano ito nina Musk, Razon, at Marcos Jr. Pero sa orihinal na mga bidyo, walang nabanggit na anumang investment scheme.

Kinuha ang bidyo ni Palisada sa live broadcast ng News Patrol noong Pebrero 19, 2025. Samantala, kuha naman ang bidyo ni Gutierrez sa live broadcast ng The World Tonight noong Pebrero 28, 2025.

Ang orihinal na bidyo ni Musk ay mula sa kanyang panayam sa Milken Institute’s Global Conference noong Mayo 2024.

Habang ang kay Razon naman ay mula sa kanyang panayam sa Consumer News and Business Channel (CNBC) International na inilabas noong Disyembre 2, 2024.

Ang mga bidyo ni Marcos Jr. na ginamit sa dalawang pekeng ulat ay kuha mula sa 74th Anniversary of the Department of the Social Welfare and Development noong Pebrero 18, 2025 at bidyo ng media outlet na Rappler na inilabas noong Enero 30, 2025.

Kapansin-pansin din na iba ang font na ginamit sa mga manipuladong bidyo, na malayo sa karaniwang disenyo na ginagamit sa totoong broadcast.

Pinabulaanan nina Palisada at Gutierrez ang mga naturang pekeng bidyo.

Kwento ni Palisada, marami siyang mga kaibigan na nagbigay-alam tungkol sa bidyo ilang araw matapos niyang malaman ang tungkol dito. “Days following that alert, several friends have notified me of the existence of that video on social media,” saad ni Palisada.

“Upon checking, I confirmed that this would be the second AI-altered video of myself,” ani Palisada, na tinutukoy ang isang manipuladong bidyo niya tungkol sa diumano’y bagong mobile casino app.

Ayon naman kay Gutierrez, “Nakababahala ang pagkalat ng mga video na ito na gumagamit ng AI at deepfake technology para mambiktima ng publiko.”

Paalala niya, “Mag-ingat tayo at maging mapagmatyag; hindi lahat ng nakikita natin sa social mediay ay dapat paniwalaan.”

Hindi ito ang unang beses na minanipula ang mga bidyo ng mga reporter at anchor ng ABS-CBN News.

Ugaliing kumuha ng mga impormasyon sa lehitimong website ng ABS-CBN News at mga opisyal na social media account gaya ng YouTube, Facebook, X (dating Twitter), Instagram, at TikTok.

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o X (dating Twitter) account @abscbnfactcheck.
Read More:
Stanley Palisada
News Patrol
Elon Musk
Pangulo
Ferdinand Marcos Jr.
Marcos Jr. Bongbong
manipulado
deepfake
misinformation
disinformation
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT