Truck driver ginulpi, pinagsasaksak sa away trapiko sa Makati | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Truck driver ginulpi, pinagsasaksak sa away trapiko sa Makati

Truck driver ginulpi, pinagsasaksak sa away trapiko sa Makati

Zyann Ambrosio,

ABS-CBN News

Clipboard

Truck driver ginulpi, pinagsasaksak sa away trapiko sa Makati
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Pinaghahanap na ng Makati Traffic Police ang tatlong lalaking tauhan ng isang towing company na naaktuhang nanununtok at sinasaksak ang drayber ng isang truck sa Makati City.

Kwento ng biktimang si Jason Veloso, papunta sana siya ng Paco, Maynila noong Biyernes (Marso 14), bandang alas-3 ng hapon para magdeliver ngunit bigla itong napahinto sa pagmamaneho dahil nawala umano ang busina ng kaniyang minamanehong 6-wheeler truck o closed van.

Wala pa raw limang minuto ay may dumating nang tow truck at pumwesto sa kaniyang harapan para umano hatakin ang kaniyang truck, dahilan para umalis agad ang biktima.

"Nag-gesture pa [si Veloso] ng 'nga-nga' at ginantihan ng [mga nasa tow truck] ng pagmumura, sinundan at ginigitgit. Nga-nga ibigsabihin wala kayong napala, wala kayong kinita," ayon kay P/Capt. Milfred Kayat, hepe ng Makati Traffic Police.

ADVERTISEMENT

Dahil sa nangyari, sinundan ng tow truck si Veloso hanggang sa nagkagitgitan sa Osmeña Highway at hinarangan siya ng tow truck. Tatlong lalaki ang bumaba mula sa tow truck at sumampa sa truck na minamaneho ni Veloso.

Sa video, makikitang paulit-ulit na ipinasok ng isang lalaki ang kaniyang braso sa driver's side ng truck na minamaneho ni Veloso para umano saksakin siya ngunit kwento ng biktima, nakailag siya sa mga pagsaksak sa kaniya.

Kasunod nito, dalawang lalaki naman ang pinagsusuntok si Veloso, dahilan para magtamo siya ng mga pasa sa katawan, at may saksak naman ang driver's seat niya.

“Sinasaksak ako tinatadyakan ako 'di ko alam gagawin ko. Akala ng pamilya ko patay na ako. Ito may pasa pa ako, kakasalag. May pumunta na lalaki na kasamahan nila at umawat sabi 'tigilan na raw,'” emosyonal na sabi ng biktima.

Matapos ang insidente, agad ring umalis ang mga tauhan ng tow truck.

Nitong Lunes (Marso 17, 2025), nagsampa na ng reklamo sa Makati Police ang biktima at agad namang ipinatawag ng mga awtoridad ang mga sangkot mula sa towing company pero ang dumating lang ay ang driver ng tow truck.

Katwiran ng tow truck driver na si Jonel Siega, totoong nilapitan nila ang sasakyan ni Veloso pero para umano kumustahin ang lagay nito at hindi sana hahatakin.

Aminado naman siyang naasar umano sila sa nang senyasan sila ni Veloso ng "nga-nga."

“Tatanungin lang po namin kung anong sira ng sasakyan. Wala kaming balak i-tow sila” ani Siega.

Ayon sa Metro Manila Development Authority, na-revoke na ang accreditation ng naturang towing company habang todo higpit naman sila sa mga abusadong towing companies.

Samantala, road rage naman ang nakikitang motibo ng Makati Traffic Police sa pananakit  ng mga lalaki kay Veloso at nanawagan sila sa mga suspek na sumuko na at magbigay ng kanilang panig sa nangyari.

“This is road rage talaga and it so happened na towing ang involved," dagdag ni P/Capt. Kayat.

Nilinaw naman ng Makati police, na nakadepende ang sitwasyon sa towing. Kapag nasa gilid naman ng kalsada maaaring 15 minuto magtagal dito hanggang maayos ang problema ng minamanehong sasakyan. Pero kung wala ng pag-asa o sira na ang makina, kailangan na talaga i-tow para hindi magdulot ng mabigat na trapiko.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.