Pulis na nagpost umano ng pambabatikos sa Marcos administration, kinasuhan ng QCPD | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulis na nagpost umano ng pambabatikos sa Marcos administration, kinasuhan ng QCPD

MAYNILA — Kinasuhan ng Quezon City Police District ang isang lalaking pulis na nagpost ng umano’y pambabatikos sa administrasyong Marcos sa kanyang social media page.

Ayon sa Quezon City Police District,
sinampahan nila ng reklamo si Patrolman Francis Steve Tallion Fontillas na dating nakatalaga sa District Personnel and Holding Admin Section (DPHAS) bago ito nag-AWOL noong March 6.
Ayon sa Quezon City Police District, sinampahan nila ng reklamo si Patrolman Francis Steve Tallion Fontillas na dating nakatalaga sa District Personnel and Holding Admin Section (DPHAS) bago ito nag-AWOL noong March 6.
Inciting to Sedition, o paglabag sa article Article 142 ng Revised Penal Code, in relation to Cybercrime Prevention Act of 2012 ang sinampa ng QCPD laban kay Fontillas dahil sa umano’y partisan post nito sa kanyang Facebook page.

Viral ngayon ang live video ng pulis kung saang kinuwestyon nito ang pag-aresto kay Dating Pangulong Rodrigo Duterte. Binatikos din niya ang ilang pamamalakad ng PNP sa ilalim ng administrasyong Marcos at hinikayat niya ang mga kapwa pulis na mag-alsa.

Umani na ng halos 65,000 views ang kanyang live video na kanyang pinost sa social media page niya na “Fonts Stv Vlogs” kaninang umaga.

Sinusubukan pa ng ABS-CBN News na kunan ng pahayag si Fontillas.

Samantala, muli namang nagpaalala ang QCPD na dapat ay non-partisan o walang kinikilingan o pinapanigang grupo o tao ang lahat ng mga pulis at na iwasan ang pagpost ng mga biased contents sa kanilang mga social media platforms.

Read More:
QCPD
Quezon City Police District
cybercrime
ABSNews
Francis Steve Tallion Fontillas
Rodrigo Duterte
Marcos administration
Inciting to Sedition
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT