Junkshop sa Taguig nasunog; pinsalang iniwan aabot sa P40 milyon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Junkshop sa Taguig nasunog; pinsalang iniwan aabot sa P40 milyon

Junkshop sa Taguig nasunog; pinsalang iniwan aabot sa P40 milyon

Christopher Sitson,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Tinatayang aabot sa P40 milyon ang halaga ng pinsalang iniwan ng sunog na sumiklab sa isang junk shop sa Barangay New Lower Bicutan, Taguig City, Lunes ng madaling araw.
 
Ayon sa barangay, plastic at karton na pawang light materials ang karamihan sa laman ng junk shop.
 
"Lahat po ng mga galing sa junk shop na inaano ng mga tao diyan po nila iniimbak. Marami pong residente sa looban niyan pero wala naman pong nadamay dahil napalibutan ng mga bumbero. Matagal na ito, 2013 pa po ito na junkshop," sabi ni Kagawad Alfredo Enano.
 
Nasunog din ang dalawang 10-wheeler truck, isang six-wheeler, at isang Elf truck. Nadamay rin sa sunog ang ilang heavy equipment.
 
Saktong 5:21 ng umaga nang idineklarang fire under control ang sunog makalipas ang mahigit tatlong oras, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
 
Ayon kay Fire Superintendent Melchor Isidro, City Fire Marshal ng BFP Taguig, pahirapan ang pag-apula sa apoy dahil sa kapal ng usok mula sa nasusunog na light materials.
 
"Medyo makapal kasi ang usok at nakapatong-patong ang light materials na nasusunog kaya pag nabubugahan nila. Kaya pag binugahan nila namamatay tapos nagliliyab ulit. Halo-halo po kasi 'yung nasusunog, may plastic, karamihan talaga is karton po, plywood siya. Tapos may mga sasakyang nasunog, may gasolina po," sabi ni Isidro.
 
Kinailangan din na gumamit ng self-contained breathing apparatus o SCBA ng ilang bumbero dahil sa kapal ng usok.
 
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog kung saan 23 firetrucks ang rumesponde.
 
Wala namang nasugatan o nasawi sa sunog.
 
Patuloy na iniimbestigahan ng BFP ang dahilan ng sunog.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.