FACT CHECK: Mga piksyunal na karakter ginamit sa mga pahayag na pro-Rodrigo Duterte | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Mga piksyunal na karakter ginamit sa mga pahayag na pro-Rodrigo Duterte

Kevin Luis Fernandez,
ABS-CBN Research and Verification Unit
Published Mar 17, 2025 11:54 PM PHT
|
Updated Mar 17, 2025 11:57 PM PHT

Nagkalat sa social media ang mga satirikal na quote card ng mga piksyunal na karakter na nagpapahayag ng pagsuporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Bagama’t satirikal, nagdudulot pa rin ang mga ito ng kalituhan sa mga tao.

Kumalat ang mga quote card matapos arestuhin si Duterte ng International Criminal Court (ICC) sa kasong crimes against humanity kaugnay ng madugo niyang war on drugs. Kasalukuyang nasa kustodiya ng ICC si Duterte.

Nilapatan ang mga quote card ng logo ng iba’t ibang media outlet sa United States gaya ng CNN, NBC News, at Fox News. Ang isang art card naman ay nilapatan ng pekeng tatak ng House of Representatives.

Sa quote card diumano ng CNN, sinabi ni Atty. Annalise Keating ng Harvard University na mali ang ginawang pag-aresto ng ICC kay Duterte. Si Annalise Keating ay isang piksyonal na abogado sa American TV series na “How To Get Away With Murder” na unang ipinalabas noong 2014.

Sa isang X post, naibalitang ginamit ni dating Laguna governor Emilio Ramon “E.R.” Ejercito ang imbentong pahayag ni Annalise Keating sa kanyang Facebook post. Sa ngayon, hindi makikita ang nasabing post sa kanyang opisyal na Facebook page.

Tumatakbo si Ejercito bilang mayor ng Pagsanjan, Laguna sa eleksyon sa Mayo 2025.

Ang parehong pekeng pahayag ni Annalise Keating ay ginamit din sa diumano’y quote card ng NBC News pero naka-attribute naman kay Atty. Elle Woods ng Harvard Law School. Isang karakter si Elle Woods mula sa American film na “Legally Blonde” noong 2001.

Sa isa namang Facebook post na may kasamang diumano’y art card mula sa House of Representatives, sinasabi na sina Atty. Harvey Specter at Atty. Mike Ross mula sa Pearson Hardman law firm ang magsisilbing mga defense attorney ni Duterte. Paglilinaw sa dulong bahagi ng caption ng post, tauhan lamang sila sa American TV series na “Suits” na unang ipinalabas noong 2011.

Sa isa pang diumano’y quote card ng CNN, sinabi ni Harvey Specter ng “Suits” na hindi maaaring arestuhin ang isang dating pangulo base sa pulitika.

Kumalat din ang diumano’y inilabas ng Fox News na quote card ni Atty. Saul Goodman ng Yale University na naglalaman ng gawa-gawang batas gamit ang mga salitang may sekswal na kahulugan. Si Saul Goodman ang pangunahing tauhan sa American TV series na “Better Call Saul” na unang ipinalabas noong 2015.

Hindi ito ang unang beses na na-factcheck ang mga peke at imbentong quote card ng mga sikat na personalidad tungkol sa pagka-aresto kay Duterte.

Hindi rin ito ang unang beses na na-factcheck ang mga pekeng impormasyon tungkol sa imbestigasyon ng ICC kay Duterte.

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o X account @abscbnfactcheck.
Read More:
Piksyunal na karakter
Annalise Keating
Elle Woods
Harvey Specter
Mike Ross
Rodrigo Duterte
International Criminal Court
ICC
war on drugs
misinformation
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT