FACT CHECK: 'Di nanawagan si Noli De Castro na pabalikin si Rodrigo Duterte sa Pilipinas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: 'Di nanawagan si Noli De Castro na pabalikin si Rodrigo Duterte sa Pilipinas

ABS-CBN Research and Verification Unit
Published Mar 18, 2025 12:03 AM PHT
|
Updated Mar 18, 2025 09:37 AM PHT

Hindi totoo ang kumakalat na diumano'y pahayag ni ABS-CBN News anchor Noli De Castro tungkol sa pagtatanggol niya sa drug war campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at panawagan niyang pauwiin sa Pilipinas si Duterte.

Pinabulaanan ni De Castro ang mga mapanlinlang na post sa kanyang Instagram account. Sa post na ibinahagi ni De Castro, nilapatan niya ng salitang "fake" ang screenshot ng mga ito.

Kumalat ang mga mapanlinlang na post matapos ang unang pagharap ni Duterte sa International Criminal Court (ICC) noong Marso 14, 2025 para sa kanyang kasong crimes against humanity kaugnay ng kanyang war on drugs. Inaresto si Duterte noong Marso 11 at agad na dinala sa kustodiya ng ICC sa The Hague, Netherlands.

Ang larawan na ginamit sa mga mapanlinlang na post ay hango sa live broadcast ng TV Patrol noong Marso 14, 2025. Dito, iniuulat ni De Castro ang detalye ng kasong crimes against humanity na kinahaharap ni Duterte sa ICC.

Kung kayo'y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa amin email factcheck@abs-cbn.com o X account @abscbnfactcheck.
Read More:
Noli De Castro
Rodrigo Duterte
TV Patrol
International Criminal Court
Netherlands
The Hague
ICC
war on drugs
drug war
misinformation
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT