31-anyos na delivery rider kalaboso sa kasong homicide | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
31-anyos na delivery rider kalaboso sa kasong homicide

MAYNILA — Arestado ang isang 31-anyos na delivery rider sa kasong homicide noong Sabado, Marso 15, 2025, sa Wawa Street, Alabang, Muntinlupa City.

Ayon kay PLt. Michael Guanzon, officer-in-charge ng Warrant and Subpoena Section ng Parañaque City Police, nangyari ang krimen Nobyembre noong nakaraang taon sa isang basketball court sa Barangay Marcelo Green sa Parañaque City.

Dagdag ni Guanzon, may dalawa pang kasama ang akusado nang gawin ang krimen. Dayo sa lugar ang 31-anyos na akusado kung saan inimbitahan siya ng isa pang akusado.

Ayon din kay Guanzon, magkahiwalay na nag-iinuman ang mga akusado at ang biktima nang magkaalitan.
Ayon din kay Guanzon, magkahiwalay na nag-iinuman ang mga akusado at ang biktima nang magkaalitan.
ADVERTISEMENT
Gamit ang four finger brass knuckle ay sinuntok ng akusado ang biktima.

“Nagkaroon ng ano sila nasuntok ng ating akusado yung biktima gamit yung four fingers… Tatlo po sila pinagtulungan nila yung biktima,” ani Guanzon.

Pero dagdag ni Guanzon, tama ng bote ng alak sa ulo ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.
Mismong ina ng biktima ang nagsampa ng reklamo.
Pero dagdag ni Guanzon, tama ng bote ng alak sa ulo ang sanhi ng pagkamatay ng biktima. Mismong ina ng biktima ang nagsampa ng reklamo.
Umamin din ang akusado sa krimeng ginawa.

Depensa ng akusado, ayon kay Guanzon, gumanti lang siya sa biktima.

“Sinabi niya po na nung nasaktan na din po siya kaya sinuntok na din niya gamit yung four fingers,” ani Guanzon.

Nakakulong na sa custodial facility unit ng Parañaque City Police station ang akusado.

Pinaghahanap na rin ng pulisya ang dalawa pang suspek sa krimen.

Paalala naman ng pulisya na iwasan ang alitan o komprontasyon para hindi masangkot sa gulo.

“Iwasan din na masangkot sa kung anong ilegal na gawain at makipagtulungan sa mga awtoridad para maiwasan ang ganitong insidente,” ani Guanzon.