3 Pilipinong biktima umano ng torture sa Cambodia scam hub, nasagip ng NBI | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 Pilipinong biktima umano ng torture sa Cambodia scam hub, nasagip ng NBI

Naiuwi sa bansa ang tatlong Pilipino mula Cambodia na biktima umano ng pangto-torture ng mga Chinese sa loob ng isang scam farm. Karen De Guzman, ABS-CBN News

MANILA — Ligtas na naiuwi sa bansa ang tatlong Pilipino mula Cambodia na biktima umano ng pangto-torture ng mga Chinese sa loob ng isang scam farm.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, humingi sa kanila ng saklolo ang mga biktima na nagpadala ng video clip.

“Sila po ay biktima po ng mga scammer. Inaya sila na mag trabaho sa Thailand para maging call center agents but then dinala sila sa Cambodia at naging scammer sila,” sabi ni Santiago.

Base sa salaysay ng mga biktima sa NBI, nitong Enero sila na-recruit at naengganyo sa social media dahil sa alok na $1,000 na sahod.

Pero nang hindi matupad ang pinangakong trabaho at sweldo, tinangka nilang tumakas pero ginulpi umano sila ng 15 Chinese.

“Nalaman ng mga Chinese bosses ‘yung plano nila na lumipat sa ibang company. Nilabas po sila in the middle of the night,” sabi ni Atty. Yentil Manicad, Special Assistant for Special Concerns ng NBI Office of the Director.

“Sila po ay sinipa, sila po ay nilatigo. Isa po sa ating biktima ay pinaso ng sigarilyo sa kanyang kamay. Imagine niyo naman po na 15 Chinese looking individuals ang nanakit po sa kanila,” dagdag niya.

Nakatakas ang 3 Pinoy at sa tulong ng Interpol at ng Cambodian authorities, naiuwi sila ng NBI sa Pilipinas nitong Linggo.

Napag-alaman na ilegal silang nakalabas ng bansa base sa imbestigasyon ng Bureau of Immigration.

“The marks of the passport were genuine but with counterfeit BI border stamp. That’s the initial analysis po. And from there nakarating po sila sa Cambodia using those marks from the passports,” sabi ni Ivan Bernard Samson ng NBI Office of the Director.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng NBI lalo na’t may 40 Pinoy pa ang naiwan sa naturang scam hub.

Sasailalim naman sa counseling ang 3 nasagip na Pinoy na bibigyan din ng tulong ng gobyerno.

“Huwag po kayong maakit sa offer na malaking sweldo. Maniniwala lamang po kayo sa mga accredited recruiment agencies. You can check it with our SEC, DOLE. ‘Wag po tayong magpaloko sa kanila, mapapahamak lamang po kayo sa ibang bansa,” paalala ni Santiago.