SAPUL SA CCTV: Delivery rider tinutukan ng baril at natangayan ng cellphone at motor sa QC | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
SAPUL SA CCTV: Delivery rider tinutukan ng baril at natangayan ng cellphone at motor sa QC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Tinutukan ng baril at natangayan ng cellphone at motorsiklo ang isang rider sa kahabaan ng Maria Clara Street sa Barangay Sto. Domingo, Quezon City niotng Sabado, March 15.

Kuwento ng CCTV operator ng barangay na si Camille Javier, may dalawang lalaking sakay ng motorsiklo at isa pang lalaking naka-motorsiklo rin na nagsilbing lookout.

Dagdag ni Javier, binabaybay ng mga suspek bandang alas-kwatro ng madaling araw ang Maria Clara Street nang makita nila ang delivery rider. Umikot sila at sinundan ang biktima.

“Yung biktima natin dahan-dahan lang 'yung pagtakbo niya then nakasunod 'yung mga suspek natin tapos hinarang na siya,” sabi ni Javier.

Sa kuha ng CCTV, makikitang bumaba sa motorsiklo ang isang suspek, tinutukan ng baril ang biktima sabay tangay sa motorsiklo at cellphone saka tumakas ang mga suspek.

Ayon kay Javier, pauwi na sana ang biktima sa kanyang bahay nang mangyari ang krimen.

“Tawid lang nun is bahay na niya (biktima),” sabi ni Javier.

Sa isa pang kuha ng CCTV, kita ang pagtakas ng tatlong suspek na sakay na ng tig-iisang motorsiklo.

Dagdag pa Javier, agad ding sumakay sa dumaan na tricycle ang biktima at nagtungo sa barangay para isumbong ang nangyari.

Patuloy na iniimbestigahan ng barangay ang insidente habang pinaghahanap ang mga suspek.

ISA PANG RIDER HINOLDAP
Madaling araw noong Biyernes, March 14, ay may nangyari holdapan kung saan isang ride-hailing app rider naman ang ninakawan ng motorsiklo sa bahagi ng G. Araneta Avenue sa Barangay Sto. Domingo sa Quezon City.

Ayon sa taga barangay, nakuhanan ng CCTV ang pagsakay ng suspek sa motorsiklo ng biktima pero hindi na nakuhanan ang mismong pagtangay niya sa motorsiklo.

Kwento pa ni Javier, pumarada ang rider para magbaba ng pasahero nang may lumapit sa kanyang lalaki mula sa isang eskinita at naki-usap na ihatid siya sa malapit dahil may kukunin lamang umano siya.

Dinala ng suspek ang biktima sa isang madilim na lugar, pinadapa at tinutukan ng patalim. Doon na tinangay ang motorsiklo ng biktima.

“Pinaikot-ikot siya sa iba’t-ibang lugar. 3:30 a.m.nangyari to 5 a.m. na siya nakuhanan ng motor. Two hours yung tinagal yung ikot niya,” kwento ni Javier.

Sabi pa niya, iniimbestigahan ng barangay kung konektado ang dalawang insidente ng panghoholdap at pagnanakaw ng motorsiklo.

Ipinagbigay-alam na rin ng barangay sa pulisya ang mga nangyari.

Paalala ng taga-barangay, palaging mag-ingat at huwag basta-basta magtitiwala sa mga hindi kakilala.

“Pero kung nanganganib na po yung buhay nila, unahin po nila yung safety nila,” sabi ni Javier.