Ano ang saloobin ng mga kaanak ng EJK victims sa pagkaaresto kay Duterte? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ano ang saloobin ng mga kaanak ng EJK victims sa pagkaaresto kay Duterte?

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Kasunod ng pagkaaresto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, dinaluhan ng mga kaanak ng mga umano’y biktima ng war on drugs ng administrasyong Duterte ang isang misa ng pasasalamat sa Quezon City nitong Martes.

Bakas sa mga mukha ng kaanak na dumalo ang pag-asang makakamit na ang hustisya na matagal nilang inaasahan.

Pahayag ng kaanak ni Kian de los Santos, isa sa mga biktima, mapalad pa si Duterte dahil mabibigyan siya ng pagkakataong ipagtanggol ang sarili sa kasong ibinabato sa kanya, kabaligtaran sa ginawang pagpatay ng walang kalaban-laban sa kanyang pamangkin.

Para naman sa mga mahal sa buhay ng ibang namatay na inilagak ang kanilang mga urn sa Dambana ng Paghilom sa Caloocan City noong Miyerkules, simula pa lang ito ng kanilang laban.Pero ayon sa isa, kahit nabuhayan sila ng loob sa pagkaaresto kay Duterte, hindi aniya mapapalitan ng isang buhay ang buhay na nawala sa kanila.

Naniniwala ang mga kritiko ng dating pangulo at tagapagtaguyod ng human rights na magiging patas ang proseso ng paghahanap ng katotohanan at pananagutan sa mga pagpatay.

– Ulat ni Izzy Lee & Vivienne Gulla, Patrol ng Pilipino
Video produced with Elijah Joy Gallero
Read More:
Patrol ng Pilipino
ABSNews
Izzy Lee
Vivienne Gulla
Misa ng pasasalamat
extrajudicial killings
ICC
EJK
Duterte
Rodrigo Duterte
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT