FACT CHECK: Hindi ibinasura ang kaso ni Rodrigo Duterte sa ICC | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Hindi ibinasura ang kaso ni Rodrigo Duterte sa ICC
Eliseo Ruel Rioja,
ABS-CBN Research and Verification Unit
Published Mar 14, 2025 10:01 PM PHT
|
Updated Mar 15, 2025 09:21 AM PHT

Hindi totoong ibinasura ang kasong crimes against humanity na kinahaharap ngayon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng madugo niyang drug war.

Kumalat ang maling impormasyon sa social media matapos maaresto si Duterte noong Marso 11, 2025 at inilipad sa The Hague, Netherlands kung nasaan ang headquarters ng ICC.

Dalawang materyal ang ginamit na basehan para sabihing dismissed na ang kaso ni Duterte.

Una, gumamit ang ilang post ng dating report tungkol sa pagbasura ng ICC sa apela ng Pilipinas at nilagyan ng mga caption gaya ng “DINISMISSED MG ICC ANG CASE LABAN KAY FPRRD.” Pangalawa, ginamit ang livestream ng pro-Duterte vlogger na si Sass Rogando Sassot kung saan ipinagtanggol niya si Duterte. Saad ni Sassot, nalabag umano ang Article 59 ng Rome Statute noong inaresto si Duterte dahil hindi siya dinala sa korte ng Pilipinas bago inilipad. Ang Rome Statute ay isang kasunduan na nagtatag sa ICC.

Sa unang claim, hindi ang kaso ni Duterte ang ibinasura ng ICC kundi ang petisyong nais magpahinto sa imbestigasyon sa kanyang madugong drug war.

Batay sa desisyon ng Appeals Chamber noong Hulyo 18, 2023, mayroong hurisdiksyon ang ICC sa mga kaso ng pagpatay na naganap mula Nobyembre 1, 2011 hanggang Marso 16, 2019. Sa mga panahong ito, bahagi o State Party pa ang Pilipinas ng Rome Statute, at dahil dito ay ipinagpatuloy ang imbestigasyon. Nagsilbing vice mayor ng Davao City si Duterte mula 2010 hanggang 2013 at bumalik sa pagka-mayor noong 2013, pagkatapos ay naging pangulo mula 2016 hanggang 2022.

Sa pangalawang claim, nagkaroon ng diskusyon sa pagitan ng mga ligal na eksperto kung umiiral ba ang Article 59(1) ng Rome Statute sa sitwasyon ni Duterte dahil umalis na ang Pilipinas sa nasabing kasunduan. Noong Marso 17, 2018 ay nagpasya si Duterte na umalis sa Rome Statue matapos ipahayag ng ICC na uumpisahan ang imbestigasyon sa kanyang drug war; naging epektibo ito noong Marso 17, 2019.

Batay sa nasabing probisyon ng Rome Statute, kailangan dalhin ang akusado sa korte ng custodial State Party bago ilipat sa ICC: “A State Party which has received a request for provisional arrest or for arrest and surrender shall immediately take steps to arrest the person in question in accordance with its laws and the provisions of Part 9."

“Kailangan pagdesisyunan ng Philippine government kung ano yung posisyon mo dyan (sa pagdala kay Duterte sa lokal na korte) kasi maraming provision under the Rome Statute applies only to state parties,” paliwanag ni Michael Tiu Jr., isang propesor sa University of the Philippines College of Law.

Pero dagdag niya, iniaayon lang din ng Rome Statute ang sistema ng pag-aresto sa pambansang batas ng Pilipinas.

Pero kahit na hindi nasunod ang tamang paraan ng pag-aresto, mananatili pa rin ang hurisdiksyon ng ICC sa kaso ni Duterte.

“The tribunal will continue to have jurisdiction even if the accused was wrongfully arrested because the arrest doesn't have to do with the tribunal,” paliwanag ni former Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio.

Tinatawag na “male captus, bene detentus” ang legal principle na ito at alinsunod ito sa sistema ng international courts kabilang ang ICC.

Itinakda ang unang pagharap ni Duterte sa Pre-Trial Chamber I noong Marso 14, 2025. Dito binabasa sa akusado ang kasong kanyang kinahaharap, mga karapatan niya sa ilalim ng Rome Statute, at petsa ng kompirmasyon kung magpapatuloy ang kaso sa trial.

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o X account @abscbnfactcheck.
Read More:
Rodrigo Duterte
warrant of arrest
International Criminal Court
ICC
war on drugs
crimes against humanity
Rome Statute
misinformation
disinformation
fact check
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT