5 Chinese nationals arestado sa umano'y kidnap for ransom; Rider patay matapos mabangga ng kotse ng mga suspek | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

5 Chinese nationals arestado sa umano'y kidnap for ransom; Rider patay matapos mabangga ng kotse ng mga suspek

5 Chinese nationals arestado sa umano'y kidnap for ransom; Rider patay matapos mabangga ng kotse ng mga suspek

Bea Cuadra,

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 13, 2025 10:58 AM PHT

Clipboard

Limang Chinese arestado sa kasong kidnap for ransom sa Pasay City noong Miyerkules ng madaling araw. Pasay City police Limang Chinese arestado sa kasong kidnap for ransom sa Pasay City noong Miyerkules ng madaling araw. Pasay City police 



MAYNILA — Arestado ang limang Chinese nationals matapos umanong dukutin ang kapwa nila Chinese sa isang condominium sa Pasay City noong Miyerkules ng madaling-araw.

Patay naman ang isang motorcycle rider matapos mabangga ng kotse na sinasakyan ng mga suspek na sinubukan umanong tumakas sa mga awtoridad.

Ayon kay Pasay police chief Col. Joselito De Sesto, niyaya ng mga suspek ang kapwa nila Chinese na biktima na mag-inuman sa isang condominium sa Pasay City.

“Hinold po itong victim po natin at binigyan po siya ng instruction na tawagan itong kaibigan niya… Para maghanda ng P500,000 for ransom, so ang ginawa naman po nitong kaibigan niya, immediately nag-report sa area ng substation 10,” sabi ni De Sesto.

ADVERTISEMENT

Kwento pa ni De Sesto, nakatanggap ang isang substation ng Pasay police ng tawag mula sa kaibigan ng biktima.

Kaagad nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad kung saan nakipag-ugnayan ang kaibigan ng biktima sa mga suspek at nagpanggap na maghahatid ng ransom.

Sa isinagawang entrapment operation, nasagip ang 32-anyos na lalaking biktima. Nahuli ang isang 30-anyos na suspek  na nahulihan ng kalibre .38 na baril na may lamang limang bala.

“Ang nangyari po diyan nung nagkaroon na nga po ng usapan na magkikita sila sa area ng Pasay so itong biktima tsaka itong 3 suspek on board sila ng isang vehicle,” kwento ni De Sesto.

Nang makatunog ang mga suspek na pulis ang katransaksyon nila, sinubukan umanong tumakas ng dalawang kasama nila na 35 at 31 anyos, sakay ng kotse. Habang humaharurot, sumalpok sila sa isang motorcycle rider na nakaladkad sa kahabaan ng Coral Way.

ADVERTISEMENT

Agad dinala sa ospital ang rider pero idineklarang dead on arrival. Naaresto naman ng mga pulis ang dalawang suspek malapit sa pinangyarihan ng banggaan.

Sa impormasyong binigay ng mga naunang suspek na naaresto, nagsagawa ng follow-up operation ang mga operatiba kung saan nahuli nila ang dalawa pang suspek na 27 at 36-anyos. Nakuha mula sa dalawa ang nasa 152.4 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P761,000 at isa pang kalibre .38 na baril.

“Pumunta sila sa isang condominium kung saan nangyari yung kanilang inuman dun na itinuro ng biktima itong mga kasamahan nila itong mga suspek so meron po tayong nahuli na lima (in total),” sabi ni De Sesto.

Dagdag niya, dati nang may kaso ang biktima. Ang dalawa sa limang suspek ay dati ring nakulong.

“Isa sa kanilang trabaho talaga yung nagpo-provide ng illegal drug dito sa area namin ang kanilang mga parokyano itong mga Chinese,” kwento pa ni De Sesto.

ADVERTISEMENT

“Ayon sa ating pagsasaliksik itong biktima natin parang inestafa niya–meron silang pera na kailangang bayaran ng biktima kaya lang di niya nabayaran,” dagdag niya.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya kung legal ang pamamalagi ng mga Chinese national dito sa Pilipinas.

Sa ngayon, ang biktimang Chinese ay nananatili sa isang safehouse para sa kanyang seguridad dahil sa takot na balikan siya ng mga suspek.

Nakakulong na sa custodial facility ang mga suspek na nahaharap sa mga patong-patong na reklamo ng kidnapping for ransom, illegal possession of firearms and ammunition kaugnay sa paglabag sa in Omnibus Election Code, paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at reckless imprudence resulting in homicide.

Paalala ng PNP na mag-ingat at huwag basta-basta magtiwala para makaiwas sa ganitong klaseng insidente.

ADVERTISEMENT

“Ang kapulisan po naman ng Pasay City Police Station handang maglingkod kasi sa Bagong Pilipinas ang gusto ng pulis, ligtas ka,” sabi ni De Sesto. 


IBA PANG BALITA: 


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.