Patrol ng Pilipino: Iba-ibang grupo kumilos kontra, bilang suporta sa pag-aresto kay Duterte | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Patrol ng Pilipino: Iba-ibang grupo kumilos kontra, bilang suporta sa pag-aresto kay Duterte

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA—Nagtungo sa Welcome Rotonda, Quezon City ang iba-ibang grupo at sektor na nagpahayag ng kanilang suporta sa pagkaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Miyerkules.

Kabilang sa nagprotesta ang mga kaanak ng mga umano’y biktima ng extrajudicial killings at war on drugs noong administrasyong Duterte, na hanggang ngayon ay humihingi pa rin ng hustisya.

Sumabay din sa mga kilos protesta ang pagtitipon ng mga tagasuporta ni Duterte sa labas ng Villamor Airbase kung saan siya dinala matapos arestuhin.

Naroon sila kahit matapos makumpirmang lumipad na ang eroplanong maghahatid kay Duterte sa The Hague, Netherlands.
Naroon sila kahit matapos makumpirmang lumipad na ang eroplanong maghahatid kay Duterte sa The Hague, Netherlands.
ADVERTISEMENT
Nagsagawa rin ng kani-kanilang rally ang Duterte supporters sa ilang lungsod sa Visayas at Mindanao.

Matatandaang umabot sa 6,241 ang opisyal na natalang namatay sa anti-illegal drug operations noong Duterte administration,, ayon sa datos mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

– Ulat nina Jessie Cruzat & Francis Orcio, Patrol ng Pilipino
Video produced with Roberto Miguel B. Yabut; additional editing by Francis Orcio
Read More:
EJK
Rodrigo Duterte
War on Drugs
Patrol ng Pilipino
ABSNews
Jessie Cruzat
Francis Orcio
Sara Duterte
ICC
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT