Mahigit 12 rider sumemplang sa tumapong putik sa Kamuning Flyover | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mahigit 12 rider sumemplang sa tumapong putik sa Kamuning Flyover

Mahigit 12 rider sumemplang sa tumapong putik sa Kamuning Flyover

Christopher Sitson,

ABS-CBN News

Clipboard



Mahigit 12 rider ang sugatan matapos sumemplang ang kanilang sinasakyang motorsiklo dahil sa  putik sa kasalda sa bahagi ng Kamuning flyover bandang 1:30 ng madaling araw. ng Martes, March 11, 2025.

Ayon sa rumespondeng MMDA traffic enforcers, galing ang putik sa  natapong lupa mula sa isang dump truck. Dahil sa aksidente, sunod-sunod ang mga motorcycle rider na sumemplang.

Mahigit labindalawang riders ang nasugatan na binigyan ng paunang lunas ng MMDA rescue.

Kwento ng isang drayber ng motorsiklo, tumilapon sila ng kanyang kasama matapos madaan sa maputik na bahagi ng daan.

ADVERTISEMENT

“Malayo nga siguro mula doon sa dulo na ‘yun siguro mga 8 meters ganun. Ang layo nang pinagtalbugan ko eh. Nagpapasalamat ako sa Diyos nakaligtas pa kami. Trauma talaga. Hindi naman namin akalain na mangyari ‘yung kasi flyover ‘yun,” ayon sa babaeng biktima.

Sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng mga rider. Nabalot din ng putik ang kanilang mga damit.

“Pag-akyat ho namin sa flyover ng Kamuning may sinusundan akong kotse. Ngayon nung nag-menor siya, kasi nasa 60 ‘yung takbo ko eh, pag-preno ko umpisa na pala ng putik na nahulog nung trak na ‘yan. Kaya mahirap ng kontrolin. Ang bilis nun ah 60. Ang dulas ho kasi, basang panambak,” sabi ng lalaking biktima.

Ang isa pang rider na galing sa trabaho ay pauwi na sana nang mangyari ang aksidente. Agad naman siyang pinuntahan ng ina sa QCPD Traffic Sector 3.

“May tumawag po kasi sakin kaninang madaling araw, nagtataka ako kasi number lang. Tumawag ulit sabi ko iba na ito. Sabi ‘mam kalma lang po’ punta po kayo rito para makita niyo ‘yung anak niyo. Kalma lang po kayo. Masakit, hindi raw siya makahinga,” sabi ng ina ng biktima.

ADVERTISEMENT

Bago mag-alas tres ng madaling araw nang pansamantalang isinara ng MMDA ang northbound lane ng flyover. Hindi madaanan maging ang bahagi ng busway na nagdulot ng pagsikip ng daloy ng trapiko. Umabot hanggang sa Cubao ang traffic.

Ayon sa drayber ng dump truck, galing siya sa Pasig at papunta sa Pampanga para dalhin ang panambak na lupa. Naulanan umano ito kaya naging putik.

“Nabuksan ‘yung safety lock sa tail gate. Abala rin samin sir. Pasensya na po sa mga naabala at nasaktan,” sabi ng drayber ng dump truck.

Nasa kustodiya ng QCPD Traffic Sector 3 ang drayber ng dump truck habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. 

Posibleng siyang maharap sa reklamong  Reckless Imprudence Resulting in Multiple Physical Injuries and Damage to Properties.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.