Guro patay matapos umanong pagsasaksakin ng asawa sa paaralan sa Las Piñas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Guro patay matapos umanong pagsasaksakin ng asawa sa paaralan sa Las Piñas

MAYNILA — Dead on the spot ang isang 51-anyos na babaeng guro sa pampublikong paaralan matapos pagsasaksakin nang 37 beses sa loob mismo ng pinagtatrabahuang paaralan sa Barangay Almanza Dos, Las Piñas, Lunes ng umaga.

Ayon kay Las Piñas police chief PCol. Sandro Jay Tafalla, mismong asawa ng biktima ang suspek sa krimen.

"Isang kalunos-lunos na pangyayari kaninang 8:45 in the morning sa isang national high school... kung saan isang 51 years old na guro ang sinaksak sa loob ng faculty room. Ang masakit dito ang suspek ay isang 38 years old na lumalabas na asawa niya. Accordingly itong asawa, one year na silang hiwalay," sabi ni Tafalla.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na pumasok sa eskwelahan ang suspek dakong alas-6 ng umaga at sumabay umano siya sa kasagsagan ng pagdating ng mga estudyante.

"Around 6 a.m., kumain pa siya sa canteen at 8:45 during recess, inabangan niya matapos ang klase at nung pagpunta ng teacher sa faculty doon niya pinuntahan at doon niya inumpisahan ang pagpatay sa pamamagitan ng saksak," sabi ni Tafalla.

Agad isinugod sa ospital ang biktima ngunit binawian rin siya ng buhay.

Ayon kay Tafalla, hindi bago para sa mga guwardiya at mga staff na bumibisita doon ang suspek lalo na't 13 taon din silang nagsama ng biktima.

"Ito kasing suspek na asawa pangkaraniwang nakikita sa school. Regular na bumibisita ito at dahil normal na nakikita siya ay nabigla din ang mga teacher, naka-witness at guwardiya," sabi niya.

"Around 8:59 sinugod siya sa ospital [biktima] at following that incident, immediately na-inform yung ating pulis at barangay kaya sumugod sila at hindi kalayuan sa lugar ay nahuli ang suspek at dala pa ang patalim na gamit," dagdag niya.

Aminado naman ang suspek sa nagawang krimen.

"Opo, [sinaksak ko] dahil sa sama ng loob ko, dahil sa panloloko niya sa akin. Thirteen years po kami nagsama. Hindi ko matanggap na niloko niya ako," giit ng suspek.

Nakakulong na ang suspek na mahaharap sa reklamong parricide.