Modus: Middleman Scam | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Modus: Middleman Scam

Modus: Middleman Scam

Francis Orcio,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Isang online seller ang natangayan ng P130,000 matapos mabiktima ng umano'y “middleman scam,” dahil sa panloloko ng isang nagpanggap na lehitimong buyer.

Kuwento ng lalaking biktima, napilitan siyang ibenta ang laptop para makalikom ng pera para sa pagpapagamot ng kaniyang inang may sakit.

February 28 nang mag-post ang biktima sa social media platform na Facebook. Ilang oras lang ang nakalipas, may isang interesadong buyer ang nag-message sa kanya.

Pero ang akala ng biktima na maayos na transaksyon, modus pala.

ADVERTISEMENT

Diskarte ng scammer para makuha ang tiwala, humingi siya ng  patunay na mayroon pera sa bangko ang biktima. Pero walang naipakita ang laptop seller. Kaya pinahanap ng suspek ang biktima  ng isang kaibigan na makapagpapatunay na hindi siya isang bogus seller--ang kabigan dapat may bank account na may lamang pera.

“Naghanap siya ng friend ko para ma-check ang legitimacy na hindi ako scammer. Nagpagawa po siya ng group chat sa akin kasama iyong friend ko. In-add po niya iyong friend ko para makuha iyong profile picture at cover photo para magaya po niya iyong Facebook profile na gagamitin sa panloloko sa akin,” kwento ng biktima.  

Para mas makuha pa ang tiwala ang isa pa sa modus ng scammer, nagmessage siya sa kaibigan ng seller na magpadala ng P130,000 sa account mismo ng seller.

Pero ang hindi alam ng biktima at kaibigan niya, gumawa muli ang scammer ng pekeng Facebook account na kahawig ng kaibigan ng biktima. Sa isang bagong group chat, pinaniwala nito ang seller na kailangan ibalik sa bangko ang naunang perang ipinadala ng kaibigan.

Ang hindi alam ng biktima, ang kausap niya sa puntong iyon ay hindi na ang kaibigan niya, kundi ang scammer na pala.

ADVERTISEMENT

“Ang total po na nawala sa amin ay 130,000 pesos. Nakuha po iyon dahil nag-send po siya ng pekeng QR PH code, at doon po na-send iyong money namin,” dagdag ng biktima.  

March 1 nang mangyari ang transaksyon at tuluyang mahulog ang biktima sa bitag ng pekeng buyer.  

Dagdag pa ng biktima, agad  niyang inireklamo ang insidente sa mga online banking at e-wallet platforms na ginamit sa transaksyon.  

Ayon sa Eastern Police District, March 2 nang iulat ng biktima sa pulisya ang insidente.

“Ito pong ganitong klaseng modus ay tinatawag po naming ‘Middleman Scam.’ Ito po iyong insidente na kung saan iyong scammer ay gumagamit ng isa pang indibidwal para lituhin at manipulahin ang biktima,” paliwanag ni Police Lieutenant Colonel Onnil Dela Peña, Team Leader ng Eastern District Anti-Cybercrime.

ADVERTISEMENT

Paalala ng mga awtoridad, huwag basta-basta magtiwala sa mga kausap online, lalo na kung humihingi ng personal na impormasyon.  

“Kung ang kausap po ninyo ay humihingi ng mga personal na detalye tulad ng ID, bank account, at iba pang sensitibong impormasyon, ituring po itong red flag at huwag na po ipagpatuloy iyong transaksyon,” babala ni Dela Peña.  

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matunton ang nasa likod ng panlolokong ito.

Posible ring maharap ang suspek sa kasong Estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code at Identity Theft.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.