Lalaki pinatay sa bugbog ang ka-pot session ng misis | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki pinatay sa bugbog ang ka-pot session ng misis

Lalaki pinatay sa bugbog ang ka-pot session ng misis

Kaxandra Salonga,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Arestado ang isang 35-anyos na construction worker na Top 1 Most Wanted Person sa Manila Police District at Top 4 Most Wanted sa Regional Level sa kasong murder noong Lunes, pasado alas onse ng umaga sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Police Lieutenant Ferdinand Omli, Hepe ng Intelligence Operations at Warrant Section ng Delpan Police Station, noong April 16, 2024 sa Barangay 123 sa Maynila naganap ang krimen.

“Base sa sabi ng ating suspek, ilang beses nang nawawala itong asawa niya at kasama itong lalaki at may nakapagsabi sa kanya na doon pumupunta sa bahay ng lalaki. Kaya pinuntahan niya ito, at naaktuhan niya sa loob ng kanyang kwarto na gumagamit ng droga,” sabi ni Police Lieutenant Omli.

“Itong suspek natin ay may dalawang anak doon sa babae. Kaya sa galit nito, binugbog niya itong lalaki hanggang sa mawalan ng malay,” dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Dinala sa ospital ang 60-anyos na biktima na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan pero hindi na ito naisalba.

Nagsampa ng reklamo ang pamilya ng biktima, pero hindi sumipot sa mga pagdinig ang akusado.

“Nagtago siya sa parte ng Pasay, pumasok siya bilang stay-in para di na siya lumabas at doon ay makapagtrabaho. Ngunit sa tulong ng ating komunidad at barangay, napag-alaman natin na umuuwi ‘to pag kumukuha ng kanyang damit at pag naglalaba,” sabi ni Police Lieutenant Omli.

Nang makatanggap ng tip na nasa Tondo ang akusado, agad siyang hinanap ng mga awtoridad hanggang sa maaresto.

Iginiit ng suspek na may relasyon ang kanyang asawa at ang biktima.

“Marami nagsabi-sabi po. Di ako naniwala… para sa isang lalaki po masakit ‘yun. Pero di po talaga ako masamang tao,” sabi ng akusado.

Aniya, pinagsusuntok niya ang lalaki para turuan ng leksyon.

Matapos ang insidente, naghiwalay umano sila ng kanyang asawa, at naiwan sa pangangalaga ng kanyang kamag-anak ang kanyang mga anak na walo at labing isang taong gulang.

Nasa kustodiya na ng Delpan Police Station ang akusado at nahaharap sa kasong murder.

Nagbabala si Police Lieutenant Ferdinand Omli laban sa paggamit ng ilegal na droga, na aniya’y nakasisira ng pamilya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.