2 arestado sa Quiapo, Maynila sa pagbebenta umano ng gamot pampalaglag | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 arestado sa Quiapo, Maynila sa pagbebenta umano ng gamot pampalaglag
Kaxandra Salonga,
ABS-CBN News
Published Feb 27, 2025 12:57 PM PHT
|
Updated Feb 27, 2025 10:53 PM PHT

Naka-deploy ang ilang pulis sa paligid ng Quiapo Church noong January 8, 2024 kasama ng paghahanda para sa pista ng Hesus Nazareno. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MAYNILA — Arestado ang dalawang babae na sangkot sa pagbebenta ng gamot na ginagamit umanong pampalaglag malapit sa isang pharmacy sa Palanca Street sa Quiapo, Maynila noong Miyerkules.

Ayon kay Police Lt.Col. John Guiagui, officer-in-charge ng District Intelligence Division – Manila Police District, Quiapo raw ang takbuhan ng ilan na may unwanted pregnancy.

“So yun yung lumalabas doon sa scanning natin sa social media. So we made a test buy sa February 11 and indeed nakabili kami… at nabilhan uli natin kanina, which led to their arrest,” dagdag niya.

Aniya, dating kagawad ng isang barangay sa Caloocan ang 70-anyos na suspek, na nahuli noong 2009 sa pagbebenta rin ng gamot na pampalaglag. Kasamang naaresto ang 37-anyos niyang pamangkin na nagtitinda sa Quiapo.

Dagdag niya, isang foreign national ang supplier ng gamot na kadalasan umanong naibebenta sa mga menor de edad. Maaaring ipa-deliver ang gamot o personal na kunin sa mga suspek.

Umaabot ng P3,000 ang bentahan ng banig ng gamot na kadalasan ay nirereseta ng mga doktor bilang lunas sa ulcer. May kasama na raw na instructions ang gamot pag binili, ayon kay Guiagui.

“These things, hindi naman guided and walang tumitingin sa kanilang mga doctors o mga medical professional. What if hindi naging maayos? It would cause their death or injury kaya talagang hindi dapat ito naipapalaganap,” dagdag ng opisyal.

Hindi napigilang mapaiyak ng 37-anyos na tindera. Aniya, inalalayan lang niya ang kanyang tiyahin na hirap makalakad mula nang operahan umano sa balakang.

“Sinamahan ko lang po siya ngayon lang po… hindi ko po alam kung anong gamot ‘yan,” sabi niya.
“Sinamahan ko lang po siya ngayon lang po… hindi ko po alam kung anong gamot ‘yan,” sabi niya.
ADVERTISEMENT
Aminado ang kanyang tiyahin na hindi tama ang pagbebenta ng gamot nang walang reseta o medical supervision pero nagawa niya umano ito dahil sa matinding pangangailangan.

Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang foreign national habang inaalam ang lawak ng bentahan ng gamot na pampalaglag sa Maynila.

Nasa kustodiya na ng Manila Police District ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009.

PANAWAGAN NG WOMEN’S GROUPS
Sa datos ng Population Commission, tinatayang 40 hanggang 50 babaeng may edad 10-14 ang nanganganak bawat linggo. Napag-alamang karamihan sa mga nabubuntis na edad 15 pababa ay biktima ng incest at sexual abuse.

Kaya’t panawagan ng women’s rights advocacy group na Gabriela Youth na madagdagan ang pondo ng gobyerno para sa reproductive health services at palakasin ang mga programa na pumoprotekta sa kababaihan laban sa karahasan.

“Naniniwala tayo na the access to reproductive health services and maternal care should be made available to all women," saad ni Francheska Reyes ng Gabriela Youth.

"Whether we see abortion as a moral decision or not, we cannot turn a blind eye on the reality that poor women resort to unsafe abortion as they do not have the resources to raise a child amid the economic crisis that we face."

Aniya, kailangang wakasan ang stigma sa sex education at tiyakin na may sapat na konsultasyon ang mga mambabatas sa mga kababaihan hinggil sa mga batas na direktang nakakaapekto sa kanila.

IBA PANG ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT