Pagmamaltrato umano ng ina sa 8-anyos niyang anak huli sa camera | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagmamaltrato umano ng ina sa 8-anyos niyang anak huli sa camera

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Huli sa camera ang umano'y pagmamaltrato ng isang ina sa kanyang walong taong gulang na anak na lalaki sa Rodriguez, Rizal noong Martes ng hapon, February 18, 2025.

Ayon sa Rodriguez PNP, pinakuha nila agad ang mag-ina sa kanilang bahay nang mapag-alaman ang insidente.

"Agad kong pinahanap doon sa mga barangay natin sa Rodriguez," sabi ni Police Lieutenant Colonel Paul Sabulao, Chief of Police ng Rodriguez Municipal Police Station.

Sa kanilang imbestigasyon, lumabas na naglayas ang bata matapos utusan na bumili ng ina sa tindahan.
Sa kanilang imbestigasyon, lumabas na naglayas ang bata matapos utusan na bumili ng ina sa tindahan.
ADVERTISEMENT
"Naglayas daw itong bata. Inutusan na bibili ng sigarilyo at simula umaga hindi na nga bumalik 'yung bata. Nahanap nung kanyang magulang bandang alas singko ng hapon," sabi ni PLtCol. Sabulao.

Kwento ng ina ng bata, napagod at nainis sa paghahanap sa anak kaya humantong sa pamamalo.

"30 minutes to mag-one hour, naghintay po ako hindi pa po umuuwi. Sigaw po ako ng sigaw, wala pong sumasagot. Kahit sumasakit po 'yung tiyan ko hinanap ko po siya. Nung nakita ko po siya, nagkasalubong kami. Imbes na lapitan niya ako, tinakbuhan pa niya ako. Kumbaga 'yung pagod ko at inis ko naghalo-halo na," sabi ng ina ng bata.

Nang makuha ang anak, nagsisigaw na siya at makikita sa video na pinalo, sinakal, at tila sinuntok ng ina ang kanyang anak.

Makikita rin sa video ang pagkurot at pamamalo ng tsinelas ng lola ng bata.
Makikita rin sa video ang pagkurot at pamamalo ng tsinelas ng lola ng bata.
ADVERTISEMENT
Iginiit ng ina ng bata na hindi pagmamaltrato ang kanyang ginawa.

"Hindi siya malakas, 'yung pag ganon ko po sa anak ko, mahina lang po dahil lambot na lambot na rin po ako. Kung iyan po ay bugbog or napasama, hindi po 'yan takbo nang takbo. Bilang isang ina, para malaman din ng anak ko kung ano ang mali niya," pahayag ng ina ng bata.

Humingi na rin siya ng tawad sa nagawa sa anak.

"Humingi na po ako ng pasensya sa kanya, sabi rin po niya sa akin 'Sorry po ma, dahil sa akin, mapapahamak ka pati si baby,'" sabi niya.

Dagdag ng PNP, natakot na umuwi ang bata dahil ipinambili niya ng laruan at pagkain ang pera na ibinigay sa kanya.
Dagdag ng PNP, natakot na umuwi ang bata dahil ipinambili niya ng laruan at pagkain ang pera na ibinigay sa kanya.
ADVERTISEMENT
Naawa naman si Remedios Ortañez na kapitbahay ng mag-ina at nag-video sa insidente.

"Talagang naaawa kami, pamangkin ng asawa ko 'yan eh. Wala kaming magawa tapos sasabihin niya rito 'yung mga tao chismosa. Hindi po totoo na isang beses lang nangyari 'yun. Marami ng beses. Tapos makikita namin 'yung anak niya may pasa," sabi ni Ortañez.

Nanawagan ang ina ng bata sa kumuha ng video at nagpost sa social media na i-delete na ito.

"Sa nagpost sana paki-delete na lang kasi hindi niyo rin alam ang puno't dulo kung bakit kami humantong sa ganon. Sa nag-upload ng video or sa mga nag-send sa barangay." pahayag ng ina ng bata.

Ayon kay PLtCol. Sabulao, isasailalim sa kustodiya ng DSWD ang bata habang sasampahan ng reklamong physical abuse ang kanyang ina.

Payo ng PNP sa mga magulang, dapat ay maayos na pinagsasabihan ang mga bata para hindi lumayo ang loob sa pamilya at hindi maghahanap ng kalinga sa iba.