Sunog sumiklab sa mga kabahayan sa Manila at Caloocan | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunog sumiklab sa mga kabahayan sa Manila at Caloocan

Sunog sumiklab sa mga kabahayan sa Manila at Caloocan

Izzy Lee,

ABS-CBN News

Clipboard

Sumiklab ang sunog sa isang residential area, alas kwatro ng hapon sa Brgy. 353, Sta Cruz, Maynila nitong Biyernes. 

Umabot ang sunog sa ikalawang alarma bago ito natupok pasado alas otso ng gabi. 

Ayon sa barangay, nasa tinatayang 30 bahay ang nasunog at 50 hanggang 60 ang pamilyang naapektuhan.

Kwento ng residenteng si Randale Llenaresas, nanunuod siya sa loob ng kaniyang bahay nang makaamoy  ng usok. 

ADVERTISEMENT

"So bumaba ako ng bahay lumabas para icheck. Nung icheck ko ang laki na ng sunog sa katabi namin. Yung pinsan ko ginising. Siya lang naligtas ko. Yung aso, mga santo hindi na," sabi ni Llenaresas.

Ayon sa mga residente, isang bentilador ang pinagmulan ng sunog.

"Sabi sa bentilador daw na pumutok tapos dun sa bentilador may gas daw at the same time," dagdag pa niya.

Sa Brgy 106, sa Tondo, Maynila naman, umabot sa ikatlong alarma ang sunog sa isang residential area na nagsimula pasado alas singko ng hapon. Naapula ito 5:53pm.

Ayon kay F/Sr. Inspector Alejandro Ramos, Chief Investigator ng BFP Manila, walang naitalang patay sa parehong sunog sa Maynila at kasalukuyang pang iniimbestigahan ang mga insidente.

ADVERTISEMENT

Sa Caloocan City, umabot sa second alarm ang sunog sa isang residential area sa M Hizon St., Brgy 63, pasado alas-11 ng umaga, Pebrero 14, 2025.

Ayon kay Fire Officer 2 Romeo Cacay ng Caloocan City Fire Station, 11 firetrucks ang rumesponde sa sunog na idineklarang fire under control ng 5:55 p.m.

Hindi pa tapos ang mapping at imbestigasyon sa sunog, ayon kay Cacay. 

Nagbahagi naman ng bidyo si Bayan Patroller Jomer Villamor kung saan makikita ang nasusunog na kabahayan. Kuha ang bidyo mula sa ikaapat na palapag ng bahay ni patroller sa P. Zamora St. Caloocan City.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.