Magpinsan, arestado matapos umanong mangholdap ng taxi driver sa Caloocan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Magpinsan, arestado matapos umanong mangholdap ng taxi driver sa Caloocan

Magpinsan, arestado matapos umanong mangholdap ng taxi driver sa Caloocan

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 13, 2025 11:32 AM PHT

Clipboard

MAYNILA — Inaresto ang dalawang lalaki matapos umanong mangholdap ng isang taxi driver sa Bagong Barrio, Caloocan noong Miyerkules ng madaling araw.

Magpinsan ang dalawang lalaki na 26 at 19 taong gulang, ayon kay Bagong Barrio substation commander PCapt. Mikko Arellano. 

Nagpapatrolya aniya ang kanyang mga tauhan nang biglang lumapit sa kanila ang biktimang taxi driver.

"Allegedly ay naholdap daw siya, tinutukan daw siya ng baril at agarang tumakbo [ang mga suspek] sa may direksyon ng Quezon City," sabi ni Arellano.

ADVERTISEMENT

"Nakuha ang cellphone ng biktima at pera na nagkakahalaga ng P1,600," dagdag niya.

Ayon kay Arellano, naharang ng Quezon City Police District ang mga suspek matapos nilang tumakas at maglakad sa bahagi ng Balintawak.

"Dahil suspicious looking sila at kakaiba ang galaw, nag-hesitate ang QCPD at hinarang sila, then after a few minutes dumating na rin doon sa lugar ang ating mga pulis at hinuli mga suspek. Positively identified sila," sabi ni Arellano.

Nakumpiska mula sa 26-anyos na suspek ang isang kalibre .38 na baril. Hindi na nabawi ang nanakaw na mga gamit ng biktima.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na notoryus umanong magnanakaw sa lugar ang mga suspek.

ADVERTISEMENT

Sa CCTV footage na kuha sa General Tirona Street noong February 7, sapul ang tangkang pagnanakaw ng angkas ng isang motorsiklo sa cellphone ng isang lalaki na nakaupo sa gilid ng kalsada. Bigo nilang manakaw ang cellphone at nagmadali silang tumakas.

Ayon sa PNP, ang angkas na nakuha sa CCTV ay ang isa sa mga suspek na kanilang naaresto. Pinaghahanap na rin nila rider sa video lalo na't hinala ng PNP ay isang grupo sila ng mga holdaper sa Caloocan at Balintawak area.

"Allegedly according to them, there is a certain group na galing ng Zamboanga. Pagdating dito sa Manila maghahanap sila ng trabaho, at dahil hindi sila makahanap ng trabaho ay nagri-resort sila sa pagnanakaw, panghoholdap at pang-iisnatch," sabi ni Arellano.

Sabi ng 19-anyos na suspek, "Kailangan lang namin ng pera panggastos, wala na po kasi kaming mahanap na pera kaya nagawa na namin yun." sabi 19 taong gulang na suspek.

"Panglimang beses na namin ito. Karamihan nakaw ang lakad namin," dagdag ng kaniyang pinsan. 

ADVERTISEMENT

Nakakulong na sa Bagong Barrio substation ang dalawang suspek na mahaharap sa reklamong robbery hold-up. 


IBA PANG ULAT:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.