2 miyembro umano ng robbery group, arestado sa Caloocan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 miyembro umano ng robbery group, arestado sa Caloocan

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Arestado ng Caloocan City Police ang dalawang miyembro umano ng robbery group sa Navotas nitong Linggo, Pebrero 9.

Bago ang operasyon, nabiktima ng grupo si Alyas Nilo noong Biyernes, Pebrero 7 sa bahagi ng Tuna St, Barangay 28 pasado alas-2 ng gabi.

Kuwento niya, habang nasa isang convenience store ay nakita na niya ang mga suspek na tila tinitiktikan siya at hanggang sa sundan siya ng mga ito sa kanyang bahay.

Habang pinaparada ang motor, agad siyang tinutukan ng baril ng isa sa mga suspek at hinablot ang kanyang kuwintas, bracelet at singsing na nagkakahalaga ng P200,000.

ADVERTISEMENT
“Nung nasa convenience store po ako, tapos may pumasok na isang nakahelmet, 'di na tumuloy parang inispotan ako, talagang parang target na nila ako. Paglabas ko ng covenience store, pauwi na ako 'yun na naramdaman ko na may sumusunod sa akin, madali ko inano motor ko,” sabi ni Alyas Nilo.

Ayon sa Caloocan City Police, dalawang araw matapos maholdap si Alyas Nilo ay may nabiktima ulit ang mga suspek.

"Modus operandi umano nitong grupo ay umiikot sila, riding-in-tandem, dalawang motorsiklo naghahanap ng mga mabibiktima dito sa Caloocan tumitira ito dito sa may C3 dito sa may 5th avenue, di lang 'yan dito sa CAMANAVA tumitira itong grupo na ito,” ani P/Col. Edcille Canals, hepe ng Caloocan City Police.

Sa tulong ng isang concerned citizen, naaresto ang 2 sa mga suspek sa ikinasang follow-up operation ng mga pulis.

Pero nahirapan ang mga pulis na matunton ang mga suspek dahil tinatakot umano ng mga ito ang kanilang mga kapitbahay para hindi sila ituro.

Nakumpiska sa kanila ang mga motor na ginamit sa krimen at mga kalibre .45 na baril.

Pero ang mga alahas ng biktima ay 'di na narekober.

“Natunton natin itong mga suspek doon sa area ng Navotas, at noon ngang February 9 nag-conduct tayo ng operation at nakuha natin 'yung dalawa sa mga suspek... Base sa imbestigasyon natin, naghahasik na rin sila ng pananakot sa lugar nila, kaya mahirap bago natin natunton itong grupo na ito,” ani Canals.

Todo tanggi naman sa krimen ang mga suspek.

Patuloy na tinutugis ng Caloocan City Police ang iba pang kasabwat ng mga suspek maging ang pinagbebentahan ng grupo ng mga nakaw na gamit.

Mahaharap sila sa reklamong robbery at paglabag sa Comelec gun ban.