Apartment sa Quezon City, nasunog | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Apartment sa Quezon City, nasunog

Apartment sa Quezon City, nasunog

Dennis Datu,

ABS-CBN News

Clipboard

Sumiklab bandang ala-una ng hapon nitong Sabado ang sunog sa mga paupahang apartment sa Barangay Pasong Putik, Quezon City. 

Ginagamit na boarding house ng mga manggagagwa sa isang shop na gumagawa ng mga bintana ang mga apartment. 

Ayon kay Warfrey Oculam, nagsimula ang sunog sa kwarto ng kaniyang inuupahang apartment.

Wala umanong tao sa apartment dahil abala sila sa trabaho nang mapansin na lamang nila na makapal na ang usok.

ADVERTISEMENT

Hinala ni Oculam, sa linya ng kuryente nagsimula ang apoy.

 "Nginatngat siguro ng daga, dami kasing daga sa taas, baka doon nagsimula. Wiring yun, hindi naman kami nagluluto sa taas, patay  din lahat ng ilaw,” sabi ni Oculam.

Apat na pintong apartment ang natupok kung saan nasa 16 boarders ang apektado. Alas-2 na ng hapon na nang maideklara na fire out ang sunog na umabot sa unang alarma.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.