Kawatan sa Parañaque, natunton matapos isuot ang nakaw na sapatos | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kawatan sa Parañaque, natunton matapos isuot ang nakaw na sapatos

PARAÑAQUE CITY — Arestado ng Parañaque City Police si alyas “Benjie” sa Pajero Street, Culdesac, Barangay Sun Valley madaling araw nitong Martes, Enero 7.

Nag-ugat ang operasyon nang magsumbong sa pulisya ang biktimang si Miles Lopez matapos na pagnakawan ng suspek ang inuupahang bahay sa Sta Ana Zone 4.

Kuwento niya, lumabas sila ng bahay para kumain bandang alas-10 nitong Lunes. Dito umano sumalisi ang suspek at pinasok ang kanyang bahay.

“Nagulat po ako nasa loob siya ng bahay, nakita ko po siya feeling ko nakuha na niya mga gusto niyang kuhanin, so siyempre first time ko naranasan, na-shock po ako, tapos nakita ko may hawak siyang sumpak, tinutok niya sa akin para makalabas siya,” sabi ni Lopez.

Hindi na umano nakapalag pa si Lopez. Natangay ng suspek ang mga mamahaling sapatos ni Lopez, laptop at sling bag na may P20,000 cash.

Matapos ang pagnanakaw, agad na nagsumbong sa pulis si Lopez at dito na ikinasa ang operasyon para tugisin ang suspek.

Hanggang sa nakita ng kaigan ng biktima ang isa sa mga ninakaw na sapatos na suot-suot ng suspek.

“Nasuot daw niya sapatos may nakakita kaya nagkaroon po ako ng idea kung nasaan siya… Hanggang sa nabalitaan ko na lang po na nahuli na siya,” sabi ni Lopez.

“Yung sapatos yun ang pinaka-ano rito, na identify talaga siya kasi yung isa sa sapatos na mamahalin nitong [biktima] suot niya that time, so mas nadagdagan yung confirmation ng mga operatiba natin at mga beat patrollers na ito ang hinahabol namin, kaya ’di siya nakatanggi, suot niya mismo eh,” sabi naman ni Police Colonel Melvin Montante, hepe ng Parañaque City Police.

“We conducted follow up operation, may tropa naman tayo nag conduct ng beat patrol, may mga previous records tayo dito sa mga personalities na ito so we checked kug sino dito almost same subject desciption so bumabad tropa natin, nakuha ito, nahuli ito,” dagdag ni Montante.

Depensa naman ng suspek, dala ng pangangailangan kaya niya nagawa ang krimen.

“Dahil lang po sa gutom… Nakabukas na po yun, yung bahay niya [kaya pinasok ko, [kinukha ko po mga] sapatos po yung lima po yatang sapatos,” sabi ng suspek.

“Sinuot po,” sabi pa niya.
“Sinuot po,” sabi pa niya.
Binebenta umano ng suspek sa halaga P500 ang bawat pares ng sapatos na ninakaw.
Binebenta umano ng suspek sa halaga P500 ang bawat pares ng sapatos na ninakaw.
ADVERTISEMENT
Desidido ang biktima na sampahan ng reklamong robbery ang suspek.

Dahil nakuhanan din ng sumpak at 2 sachet ng hinihinalang shabu si alyas Benjie, mahaharap din siya sa reklamong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.