Buntis arestado sa kasong large-scale at syndicated illegal recruitment | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Buntis arestado sa kasong large-scale at syndicated illegal recruitment

PARAÑAQUE CITY — Nakorner ng mga miyembro ng Parañaque City Police Warrant and Subpoena Section (WSS) sa isang coffee shop sa Maynila ang 37 anyos na babaeng suspek dahil sa kasong large-scale at syndicated illegal recruitment sa ikinasa nilang manhunt operation nitong Linggo, Enero 5.

Inaresto ang suspek sa bisa ng mga warrant of arrest under na inissue ng mga korte sa Benguet.

Inissue ang unang warrant ni Hon. Daniel Dazon Mangallay, Presiding Judge ng Regional Trial Court, First Judicial Region, Branch 64, sa Buguias, Benguet, nitong July 18, 2023. Ang ikalawang warrant naman para sa Criminal Case No. 23G-CR-14829 ay inilabas ni Presiding Judge Hon. Leody Malillin Opolinto ng Regional Trial Court, First Judicial Region, Branch 62 ng La Trinidad, Benguet, nitong July 25, 2023.

Walang piyansa ang dalawang warrant.
Walang piyansa ang dalawang warrant.
ADVERTISEMENT
Ayon sa Parañaque PNP, pang-apat sa most wanted person ng provincial level ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Benguet ang suspek.

Pinapangakuan umano nito ang mga biktima ng trabaho sa mga bansang Thailand, Singapore, Dubai at Malaysia bilang domestic helper.

“You will provide first payment amounting to 50 to 60 thousand [pesos] then number days mag-antay ka i-medical ka then biyahe ka. Provided on tourist visa, bahala ka na dun,” sabi ni Police Colonel Melvin Montante, hepe ng Parañaque City Police.

“Kasi pagdating dun ng ibang nakapagbigay, walang nangyari sa kanila and mostly yung mga nakapagbigay hindi naka-biyahe at kusang nawala na lang sila na parang bula,” dagdag ni Montante.

May kasabwat umano sa mga bansang nabanggit ang suspek na gumagamit ng iba’t ibang pangalan.
May kasabwat umano sa mga bansang nabanggit ang suspek na gumagamit ng iba’t ibang pangalan.
ADVERTISEMENT
Ayon sa PNP kung hindi sa opisina ang transaksyon, pagdudahan na ito.

“Lagi naman sinasabi if you are transacting any business or transactions it should be in the office, ito yung proper way kaysa andiyan sa social media… then imi-meet up mo sa certain coffee shop then sweet talk… by that alam mo na modus ito,” sabi ni Montante.

Itinanggi ng suspek ang mga paratang.
Itinanggi ng suspek ang mga paratang.
“Di po talaga ako nagre-recruit, di naman po ako empleyado ng recruitment agency,” sabi niya.

Pero ayon sa PNP, malaki ang partisipasyon ng suspek sa iligal na pag-recruit.
Pero ayon sa PNP, malaki ang partisipasyon ng suspek sa iligal na pag-recruit.
ADVERTISEMENT
“Siya ang kumukuha ng pera sa biktima,” sabi ni Montante.

Hindi bababa sa pito ang mga nabiktima ng suspek.

Pinaghahanap na ang iba pang kasabwat niya.

Naka-detine na sa Parañaque Police Station custodial facility ang suspek.