Lalaki arestado sa umano'y rape matapos 'i-live in' ang menor de edad na babae | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki arestado sa umano'y rape matapos 'i-live in' ang menor de edad na babae

MAYNILA — Inaresto ng pulisya ang isang lalaki sa Caloocan City dahil sa reklamong rape matapos umano niyang bahayin o i-live in ang isang babaeng menor de edad noong 2023.

Dala ang warrant of arrest, inaresto ng mga kawani ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) nitong Linggo ang 38 anyos na lalaki sa bahagi ng Samson Road, Barangay 169 para sa two counts ng rape at acts of lasciviousness.

Isa sa most wanted person sa Caloocan ang suspek, ayon sa NPD.

Menor de edad ang biktima na ibinahay ng suspek noong 2023, sabi ni PLtCol. Alain Terence Licdan, hepe ng DSOU.
Menor de edad ang biktima na ibinahay ng suspek noong 2023, sabi ni PLtCol. Alain Terence Licdan, hepe ng DSOU.
ADVERTISEMENT
"Nalaman ng parent nung minor so nagsampa ng reklamo 'yung [magulang] ng minor… 'yung minor during that time is 17 years old… allegedly nakuha nating information ni-live in [ng suspek]," sabi ni Licdan.

Kapitbahay umano ng suspek ang biktima sa Caloocan at nagkaroon umano sila ng relasyon.

"Ang depensa naman suspek during that time ‘di niya alam na minor yung biktima," dagdag ni Licdan.

Mayroong apat na buwan umanong hindi umuwi sa kaniyang mga magulang ang biktima.

"Itong suspek naman hindi siya nagtago, yun nga lang di niya alam na nagreklamo na ang magulang tapos biglang nalabasan ng warrant," sabi ni Licdan.

Payo ng awtoridad, bantayang mabuti ang mga anak at bago umano makipagrelasyon, alaming mabuti ang edad ng magiging karelasyon dahil walang piyansa ang kasong rape.

Nasa kustodiya na ng DSOU ang suspek.
Nasa kustodiya na ng DSOU ang suspek.
IBA PANG ULAT:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT