Tricycle driver patay matapos pagbabarilin sa Tondo, Maynila | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tricycle driver patay matapos pagbabarilin sa Tondo, Maynila

Tricycle driver patay matapos pagbabarilin sa Tondo, Maynila

Kaxandra Salonga,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Patay ang 45-anyos na tricycle driver matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Capulong Street sa Tondo, Manila, mag-a-alas dos ng madaling araw nitong Sabado.

Pito ang putok na narinig umano ni Danilo Albay — kagawad ng Barangay 108, Zone 9 — na natutulog nang mangyari ang insidente.

“Kasi nga yung mga bata naglalaro ng 5 star, akala ko may putukan na naman. At maya-maya may pumunta sa akin pamilya umiiyak. Sabi ‘kagawad kagawad tulungan mo naman ako.’ Sabi ko, bakit? [Sagot ay] 'Pinatay 'yung kapatid ko eh',” pahayag ni Albay. 

Nang pumunta si Albay sa lugar ng insidente, nakita niyang nakabulagta ang biktima na kinilalang nagbebenta rin ng damit sa Divisoria.

ADVERTISEMENT

Ayon sa kapatid ng biktima, nakikipagkwentuhan ang kanyang kapatid sa dalawang lalaki nang bigla na lamang may tumigil na motorsiklo sa harap nila.

“Sabi daw po may umakbay na lalaki. Ngayon may tinanong daw po na pangalan kung siya daw po ‘yon. Hindi na po nagsalita kasi nakita daw po ng kuya ko na may baril daw po yung lalaki. Ginawa ng kuya ko umatras. Pag-atras daw po, doon pinaputukan ang kuya ko ng baril. Sa ulo daw po,” sabi ng kapatid ng biktima.

Dagdag niya, napagbintangan lang ang biktima, na pangatlo sa pitong magkakapatid.

Aminado siya na gumagamit ng ilegal na droga ang kanilang kapatid.

“Pero kahit po gumagamit ‘yon wala po siyang inagrabyadong tao… wala naman po nakakaaway ‘yan eh,” dagdag ng kapatid ng biktima.

Hustisya ang panawagan ng mga kaanak ng biktima.

Tinutugis na ng pulisya ang mga salarin na tumakas matapos ang insidente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.