Estudyante na-scam ng nagpanggap na delivery app rider; P18,000 halaga ng gadget natangay | ABS-CBN
Estudyante na-scam ng nagpanggap na delivery app rider; P18,000 halaga ng gadget natangay

Kaxandra Salonga,
ABS-CBN News
Published Jan 31, 2025 07:29 AM PHT
|
Updated Jan 31, 2025 10:23 AM PHT

Vander Films, Unsplash/File

MAYNILA — Natangay ng scammer na nagpanggap bilang delivery app rider ang P18,000 halaga ng gadget ng isang college student noong January 22 sa Sta. Ana, Maynila.

Ayon sa 19-anyos na biktima, ipambabayad sana niya ng tuition ang kikitain mula sa pagbebenta ng second-hand digital tablet sa online marketplace.

Bandang alas-3 ng hapon, nakipag-usap siya sa suspek sa online messaging app. Nagpanggap itong buyer at iginiit na siya na mismo ang magbo-book ng rider.

“Hindi siya pumapayag na kami ang mag-book so ang nangyari po is siya po yung nag-book [ng rider]. Nanghingi siya ng details ko, contact number, contact person… address,” sabi ng biktima.

ADVERTISEMENT
Nag-video call pa umano ang suspek para makuha ang tiwala ng estudyante, dahil dati na umano siyang nabiktima ng scam.

Matapos ibigay ng biktima ang mga detalye na hiningi ng suspek, dumating ang rider sa pick-up location sa Sta. Ana, Maynila. Ayon sa biktima, sinabi ng suspek na sa Marikina dadalhin ang parcel.

Sa kuha ng CCTV, makikitang sakay ng scooter ang suspek papunta ng pick-up location. Tila nagmamasid siya sa paligid.

Sa isa pang kuha ng CCTV, makikita rin ang suspek na dala na ang package. Sumakay siya ng scooter at umalis.

“Sabi po sa ‘kin ni rider na babayaran niya po yung item once na nakaalis na po siya. Pero ang nangyari, nung nakaalis na po siya, yung rider, bigla na pong parang di na po masyado nagcha-chat sa akin si suspek pero nag-usap po kami ni rider,” sabi niya.

Hindi nakita ng biktima ang mukha ng rider dahil sa suot nitong helmet. Nang makita niya sa in-app map na nasa Binangonan, Rizal na ang rider at hindi pa rin natatanggap ang bayad, agad siyang nakiusap na ibalik ang gadget at i-cancel ang delivery.

“Nag-text na po (ako) kay rider na wag na po sanang ibigay. Ibalik na lang sa akin. Pero sabi nung rider naman kuno is manghihingi sana sa akin ng pang-gas,” sabi ng biktima.

Nagpadala siya ng P400 para sa gasolina, pero hindi na nag-reply ang rider. Dito na siya humingi ng tulong sa barangay.

Pinuntahan ni Kagawad Jonjon Libao ng Barangay Valenzuela ang address na nakasaad sa driver’s license umano ng rider.

"Nalaman na di naman siya (rider) lumalabas ng bahay, yung sa may picture ng license. Dun namin nalaman na parang na-scam,” sabi ni Libao.

Ipinost ng biktima ang account ng suspek sa social media at natuklasan niyang marami pang iba ang nabiktima nito. Napagtanto rin niyang ang kausap niyang rider ay siya ring nagpapanggap na buyer.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang suspek. Samantala, nagbabala ang barangay laban sa online scammers.

“Paalala po sa publiko na mag-ingat po na huwag masyado magtitiwala sa mga kausap nila lalo’t di nila kilala…wag na wag magbibigay ng pera hanggang di nabibigay ang item,” sabi ni Libao.

Read More:
Tagalog news
crime
krimen
ABSNews
online shopping scam
scam
online marketplace
estafa
modus
delivery rider
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT