2 toneladang 'undocumented' na karneng manok nasabat | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 toneladang 'undocumented' na karneng manok nasabat

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nasa dalawang toneladang undocumented na karneng manok ang nasabat ng National Meat Inspection Service (NMIS) at National Bureau of Investigation(NBI) sa buy-bust operation sa NCR gabi ng Linggo, Enero 20, 2025.

Ayon kay Fernando Lontoc, NCR Director ng NMIS, nag-o-operate ang nahuling refrigerated truck sa Caloocan. Dagdag ni Lontoc, kinukuha ang suplay sa storage sa Bulacan habang sa Navotas naman ang pinaka-angkatan ng mga produkto.

"Initially mayroon tayong nakumpiska na 43 metric tons ng undocumented (frozen meat products). Naniniwala kami na ito'y mga smuggled product. 'Yung coming na makikita nyo bukas, 19 plus 22 (tons)," sabi ni Lontoc.

Nasa NBI office na sa Pasay City ang inisyal na dalawang toneladang chicken breast na nasabat.
Nasa NBI office na sa Pasay City ang inisyal na dalawang toneladang chicken breast na nasabat.
ADVERTISEMENT
Hindi pa mai-detalye ni Lontoc ang kabuuang operasyon dahil nagpapatuloy pa ito.

"Hindi ko pa pwedeng i-disclose sa inyo 'yung iba naming ginagawa dahil ongoing pa ang aming operasyon," sabi ni Lontoc.

Binigyang-diin ni Lontoc na hindi ligtas para sa mga konsyumer ang undocumented na karne dahil hindi ito dumaan sa tamang proseso.

"Pagka-undocumented karaniwan hot meat, so hindi natin alam kung ano ang proseso kung pano ini-handle. Maaaring hindi malinis, so pwedeng mag-cause ng hazard," sabi ni Lontoc.

"Actually itong nahuling ito, buy-bust, and 'yung remaining hot pursuit," dagdag pa ni Lontoc.

Iprinisenta ng NBI at NMIS sa media ang inisyal na dalawang toneladang undocumented na karneng manok na nasa loob ng refrigerated truck pati na ang isa pang sasakyan na ginamit umanong convoy ng truck.

Patuloy pa ang hot pursuit operation ng NBI at NMIS.