Drug pusher na ‘takot ma-scam’ inaresto ng mga awtoridad sa Valenzuela | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Drug pusher na ‘takot ma-scam’ inaresto ng mga awtoridad sa Valenzuela

Drug pusher na ‘takot ma-scam’ inaresto ng mga awtoridad sa Valenzuela

Jeff Caparas,

ABS-CBN News

Clipboard

VALENZUELA CITY — Inaresto ng mga kawani ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela City Police si alyas "Sandy" sa ikinasa nilang buy-bust operation sa bahagi ng Kabatuhan Street, Barangay Mapulang Lupa, umaga nitong Sabado, Enero 18.

Nakumpiska sa suspek ang 6 na sachet ng hinihinalang shabu na may timbang 50 gramo at nagkakahalaga ng P340,000.

Nasa listahan umano ng High Value Individual kaugnay ng iligal na droga ang suspek.

Isang linggo ring minanmanam ng mga operatiba ang subject.

ADVERTISEMENT

Ayon sa PNP, dati na ring nakulong ng 8 buwan nitong 2022 si Alyas Sandy.


“Nung una parang maliitan lang, ngayon siguro naging high value individual na siya, medyo lumalaki rin yung mga transaksyon sa drugs, di natin alam sa dami ng binebentahan niya malaki na rin siguro yung source niya,” sabi ni Police Colonel Nixon Cayaban, hepe, Valenzuela City Police.

Tinutukoy pa ang awtoridad ang pinagkukuhanan ng suplay ng droga ng suspek.

Dahil naman sa talamak na online scam, personal pa ring nakikipag transaksyon sa mga parokyano ang suspek.

“Sa experience niya mas maganda yung personal kasi sa on-line, marami rin kasi ang na-iscam diyan eh.. mode of transaction niya is personal, yung old style pa rin ng transcation ng drugs,” sabi ni Cayaban.

ADVERTISEMENT

Mula umano sa Bgy Ugong, Bgy Mapulang Lupa at Bgy Talipapa, Novaliches sa Quezon City ang binabagsakan ng suspek.


“Parang nakikita namin dito, mas mabilis yung pag imbentaryo niya, nakikita niya kung paano transakyon ng droga. kapag on-line may intances na na-scam rin sila eh… Ayaw niya patulan ang tansacation on line dahil baka ma-scam daw siya,” dagdag ni Cayaban.

Nasampahan na ng reklamong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.