1 patay, 2 sugatan sa pananaksak sa loob ng Bilibid | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

1 patay, 2 sugatan sa pananaksak sa loob ng Bilibid

1 patay, 2 sugatan sa pananaksak sa loob ng Bilibid

Jeff Caparas,

ABS-CBN News

Clipboard

Isang inmate o Person Deprived of Liberty (PDL) ang patay habang dalawa naman ang sugatan sa insidente ng pananaksak sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City bandang alas-7:30 ng umaga nitong Huwebes (Enero 2).

Nangyari umano ang insidente sa maximum security camp na bahagi ng Bilibid, ayon kay Corrections Chief Inspector Roger Boncales,  acting  superintendent ng NBP.

Sa inisyal na imbestigasyon ng NBP, biglang inatake ng grupo ng mga kapwa PDL ang mga biktima, pinagsasaksak ang mga ito, at agad rin umanong tumakas.

Nag-abiso naman ang pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) sa lahat ng superintendents sa Bilibid na magsagawa ng precautionary measures para masiguradong walang pagganti na magaganap.

ADVERTISEMENT

Dating commander umano ng Alex Boncayao Brigade at miyembro ng Batang City Jail ang namatay na PDL. Kapwa miyembro naman ng BCJ ang mga nasugatan.

Hindi muna pinangalanan ng BuCor ang mga sangkot sa insidente habang ipinapaalam pa sa mga kaanak ng mga ito ang nangyari.

Patuloy ang imbestigasyon ng NBP sa insidente at inaalam na kung sino ang mga sangkot sa insidente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.