FACT CHECK: ‘Di totoong pinapayagang gumamit ng ilegal na droga ang PNP, AFP | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: ‘Di totoong pinapayagang gumamit ng ilegal na droga ang PNP, AFP

Eliseo Ruel Rioja,
ABS-CBN Research and Verification Unit
Published Jan 16, 2025 05:39 PM PHT

Ginamit sa maling konteksto ang dating panayam sa isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) para palabasing pinahihintulutan ang mga pulis at sundalo na gumamit ng ilegal na droga dahil exempted umano ang mga ito sa drug test.

Sa post sa X (dating Twitter), mapapanuod ang panayam kay PNP Civil Security Group Spokesperson Eudisan Gultiano na sinasabing: “Merong inilabas na memorandum signed by our Chief PNP kung saan in-exempt na ang requirement ng drug test and psychological and psychiatric evaluation sa member ng PNP and AFP [Armed Forces of the Philippines] na active.”

Ibinahagi ang panayam sa isang post at nilagyan ng caption na “Malaya at Legal na gumamit ng Droga ang PNP at AFP only in the Philippines sa Bagong Pilipinas ni Marcos Jr. 😏”

Kinuha ang orihinal na footage sa report ng UNTV News and Rescue noong Agosto 2024. Pinutol ang bahagi ng report kung saan ipinaliwanag na ang memorandum ay tumutukoy sa pag-exempt sa mga aktibong pulis at sundalo sa ilang requirements sa pagkuha ng gun permit.

Ayon sa Republic Act No. 10591, kinakailangan ang psychiatric evaluation at drug test sa pagkuha ng License to Own and Possess Firearms (LTOPF).

Mababasa sa nasabing memorandum na ipinadala ng PNP sa ABS-CBN Fact Check na tinanggal na ang requirements na ito para sa mga pulis at sundalo. Batay sa dokumento, sapat na umano ang drug test at psychiatric examinations na isinasagawa sa kanilang hanay bilang bahagi ng kanilang serbisyo.

“All active military and police personnel are no longer required to undergo DT (drug test) and PPE [psychological and psychiatric examinations] since they are already trained as responsible firearm holders. The DT and PPE conducted during their service will suffice as LTOPF requirements. They are only required to submit their valid AFP/PNP ID,” mababasa sa memorandum.

Ang memorandum ay may petsang Hulyo 16, 2024 at may pirma ni PNP Chief General Rommel Francisco Marbil.

Paliwanag ni Gultiano, nagsasagawa ng drug test at regular na neuro-psychiatric assessment ang kapulisan lalo na tuwing may promotion o training.

“Meron tayong mga promotion, schooling. Ang ating mga pulis ay required na mag schooling so lahat 'yan meron yang mag uundergo na yan ng drug test and at the same time meron kasi tayong din yearly na mga program ang Health Service tungkol sa kalusugang pangkaisipan, kasama doon yung psychological and psychiatric evaluation,” sabi ni Gultiano.

Ipinag-uutos ng Republic Act No. 9165 ang pagsasailalim sa mga pulis, militar, at iba pang law enforcers sa taunang mandatory drug test. Nakalagay naman sa PNP Memorandum Circular 2021-019 na ang pagpili sa uniformed at non-uniformed personnel ng PNP na isasailalim sa drug test ay “random” at walang exempted dito.

Pinabulaanan mismo ni Gultiano ang mga kumakalat na mapanlinlang na post tungkol sa dati niyang panayam sa kanyang Facebook profile.

“It is only promoting efficiency and a little convenience para sa mga pulis at sundalo natin na walang ng oras upang ayusin ang mga requirements sa pag-apply ng lisensya,” paliwanag niya sa isang post noong Enero 9.

Agosto 2024 nang mapabalitang nasa mahigit 26,000 na mga pulis at sundalo ang may expired na LTOPF ayon sa PNP.

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o X account @abscbnfactcheck.
Read More:
Philippine National Police
PNP
Armed Forces of the Philippines
AFP
gun permit
drug test
misinformation
disinformation
fact check
ABS-CBN Research and Verification Unit
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT