FACT CHECK: Hindi totoong pinatalsik sa Senado si Tulfo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Hindi totoong pinatalsik sa Senado si Tulfo

Eliseo Ruel Rioja,
ABS-CBN Research and Verification Unit
Published Jan 14, 2025 10:47 AM PHT
|
Updated Jan 14, 2025 11:09 AM PHT

Hindi totoong tinanggal sa Senado si Senador Raffy Tulfo dahil umano sa "usaping legal” na kinaharap nito bago pa man maupo sa posisyon.

Galing ang maling impormasyon sa kumakalat na video sa YouTube at Tiktok kung saan sinabing pinatalsik ng Senado si Tulfo matapos maglabas ang Korte Suprema ng desisyon na nagsasabing wala na umanong bisa ang mandato ng senador.

Pinamagatan ang YouTube video ng “NAKAKAGIMBAL!! RAFFY TULFO NATAMEME SA UTOS NG KORTE SUPREMA!! SENADO LIGWAK NA!” habang nilapatan naman ang Facebook video ng tekstong “TANGGAL sa senado RAFFY TULFO KARMA.”

Taliwas sa sinasabi sa mga post, noong Abril 2024 ay pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na ibasura ang kasong nagpapa-disqualify kay Tulfo sa pagka-senador.

Inihain ng sinasabing asawa ni Tulfo na si Julie Licup Pearson ang disqualification case sa Comelec noong Abril 2022, isang buwan bago ang eleksyon. Base ang kaso sa diumano’y moral turpitude kaugnay ng libel conviction ng senador at election offense matapos umano nitong ikampanya ang sarili sa show nitong “Raffy Tulfo in Action.”

Matatandaang Hulyo 2019 nang kinatigan ng Korte Suprema ang hatol na guilty laban kay Tulfo para sa salang libel.

Ibinasura ng Comelec ang disqualification case tatlong araw bago ang May 9, 2022 election dahil sa kabiguan ni Pearson na magbigay ng “proof of service.” Nang maghain si Pearson ng motion for reconsideration noong May 10 ay naluklok na sa pwesto si Tulfo.

Tuluyang ibinasura ng Comelec ang kaso noong Pebrero 2023 sa batayang wala nang hurisdiksyon ang komisyon sa mga nanalong kandidato na naiproklama at nanumpa na sa tungkulin.

Pagkatapos ng Comelec, nasa ilalim na ng hurisdiksyon ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang mga bagong luklok na senador, ngunit nabigo rin si Pearson na ihain ang kaso sa SET sa loob ng tamang panahon.

Ayon sa Korte Suprema, ang kabiguang ito ni Pearson ay hindi masosolusyunan ng paghain ng petition for certiorari sa nasabing korte. Inihahain ang petition for certiorari para i-review ng mas mataas na korte ang desisyon ng isang mas mababang hukuman, quasi-judicial body, o administrative agency.

Sinabi rin sa kumakalat na video na ang kandidatong nakatanggap ng pinakamaraming boto kasunod ni Tulfo ang umano’y papalit sa kanyang posisyon. Hindi ganito ang sinasabi ng batas ukol sa mga nabakanteng puwesto sa Senado.

Ayon sa Article 6 Section 9 ng 1987 Constitution at Republic Act 6645, kung sakaling magkaroon ng bakanteng puwesto sa Senado ay kinakailangang maghain ng Senado ng resolution sa Comelec na nagpapatawag ng isang special election para punan ito.

Sa paparating na 2025 midterm elections, tatakbo sa pagka-senador ang dalawang kapatid ni Tulfo na sina ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo at Bienvenido “Ben” Tulfo.

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o X account @abscbnfactcheck.
Read More:
Raffy Tulfo
Tulfo
Senado
tinanggal
Korte Suprema
libel
disqualification case
election offense
misinformation
disinformation
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT