6 patay sa sunog sa Sampaloc, Maynila | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
6 patay sa sunog sa Sampaloc, Maynila
6 patay sa sunog sa Sampaloc, Maynila
Kaxandra Salonga,
ABS-CBN News
Published Dec 07, 2024 08:53 AM PHT
|
Updated Dec 07, 2024 12:36 PM PHT

MAYNILA (UPDATED) — Anim ang patay sa sunog sa isang compound sa Blumentritt Street sa Sampaloc, Maynila nitong Sabado ng madaling araw.

“Tatlo (patay) nakita sa ground floor, ang tatlo din ay nakita sa third floor… bumagsak po (sila) sa second floor then sa baba sila nakita,” pahayag ni Fire Capt. Cesar Babante ng Manila Fire District.

Dalawa sa mga namatay ay bata, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Ayon sa BFP, nagsimula ang sunog bandang 12:40 a.m. at umabot ito sa second alarm makalipas ang dalawang oras.

ADVERTISEMENT
Labindalawang firetruck ang rumesponde para apulahin ang apoy.

Idineklarang fire out ang sunog pasado alas-kwatro ng umaga pero alas-10 na ng umaga nang makuha ang mga bangkay ng anim na nasawi.

Isa sa mga residente ng compound si Sofia Pili, 74, na dalawang dekada nang naninirahan katabi ng tatlong palapag na building.

Ayon kay Pili, nagising siya sa sigaw ng kanyang 80-anyos na kapitbahay at pinsan sa hipag na si Nida Pili, na kasama sa mga nasawi.

“Akala namin inatake, yun pala paglabas namin, may apoy na nag-i-spark. Nalaman na lang namin na di sila nakalabas,” ani Pili.

May dalawang naulilang anak si Nida, na matagal niyang nakasama sa compound.

Hiling ni Pili na mabigyan sila ng tulong pinansyal at housing materials, lalo’t wala na silang matutuluyan, at may iniindang karamdaman ang kanyang asawa.

'PHONE LANG ANG NASALBA'
Si Bryan Panaligan, 38, na nakatira sa ikatlong palapag ng building, ay wala namang naisalba maliban sa kanyang cellphone.

“Nakakapanghina, wala kang nakuha, ultimo yung pera namin… pero sabi ko sa pamilya ko, kailangan aahon uli… at least ang importante, safe ang family namin,” ani Panaligan.

Bandang alas-10 ng umaga, dumating sina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo Nieto upang magbigay ng cash aid sa mga biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, tinatayang nasa P102,000 ang halaga ng pinsala.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang sanhi ng sunog pero posibleng faulty electrical wiring ang dahilan nito, ayon kay Babante.