Panelo: 'Taktika' ang impeachment complaints laban kay Sara Duterte | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Panelo: 'Taktika' ang impeachment complaints laban kay Sara Duterte

Panelo: 'Taktika' ang impeachment complaints laban kay Sara Duterte

ABS-CBN News,

Mae Cruz

Clipboard

MANILA -- Isang taktika lamang umano para pigilan si Vice President Sara Duterte na tumakbo sa pagkapangulo sa 2028 ang mga inihahaing impeachment complaints laban sa kaniya, ayon kay dating Presidential legal counsel Salvador Panelo. 

"Dilaw, kaliwa and at kaalyado ng presidente, magsasama-sama 'yan dahil isa lang kalaban," sabi ni Panelo.

Dagdag pa niya, wala raw pakinabang ang impeachment sa mamamayang Pilipino at dapat ay sampahan na lang ng criminal case si Duterte.

Kapag daw kasi natanggal ang bise presidente sa puwesto ay hindi na ito maaaring tumakbo sa kahit anong posisyon sa pamahalaan. Kung maganap ito, posible aniyang si Senator Robin Padilla ang isabak ng kanilang kampo sa 2028 presidential elections. 

ADVERTISEMENT

"Kapag dinisqualify n'yo 'yan, ang iniisip namin ni Pangulong Duterte na si Robin Padilla ang ilalaban namin sa inyo," pahayag ni Panelo. 

Sinabihan na umano nila si Padilla sa planong ito. 

Mahihirapan rin daw ang lalaban kay Padilla lalo't taglay umano nito ang mga katangian ng isang lider tulad ng "common sense, pagiging mapagkumbaba at hindi kurap na tao", ayon kay Panelo.

Mga 'alias' sa confidential fund receipts

Ipinagtanggol din niya ang paggamit ng iba't ibang pangalan sa mga resibong isinumite ng opisina ng bise presidente.

Aniya, tinawag itong confidential fund dahil ginagamit ito laban sa mga kalaban ng estado.

ADVERTISEMENT

"Kung ikaw ang kalaban ilalagay mo ba pangalan mo, baka mapatay ka. Hindi pwedeng ibigay ang impormasyon laban sa kalaban ng estado," sabi ni Panelo.

Kinontra naman ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) President Renato Reyes Jr. ang pahayag ni Panelo sa pagsasabing may matibay na dahilan sa paghahain ng impeachment laban kay Duterte.

Ayon kay Reyes, pera ng taong bayan ang ginastos at hindi na maipaliwanag kung saan ito napunta.

"Hindi tamang paggamit ng pondo dapat may pananagutan 'yun. Sinong tax payer ang nakikita na hindi natin alam kung paano ginastos at dino-doctor pa 'yung liquidation?" depensa nito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.