Call center agent na papasok ng trabaho, hinarang at ninakawan ng mga gamit sa Quezon City | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Call center agent na papasok ng trabaho, hinarang at ninakawan ng mga gamit sa Quezon City

Call center agent na papasok ng trabaho, hinarang at ninakawan ng mga gamit sa Quezon City

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA — Arestado ang isang lalaki matapos pagnakawan ng mga gamit ang isang call center agent sa Barangay Paang Bundok, Quezon City nitong Martes ng madaling araw.

Kwento ng biktima na si alyas Grace, papasok na sana siya ng trabaho nang harangin siya ng lalaki na nakasakay sa isang AUV. 

Kita sa CCTV sa lugar, na hinablot ng lalaki ang kanyang mga gamit hanggang sa bumagsak sa kalsada ang biktima.

“Papasok po ako ng trabaho…palabas po ako ng street namin, sa kanto kasi dapat ako sasakay. Tapos bago ako makalabas ng kanto para makasakay, meron pong sasakyan na huminto sa tabi ko po tapos mayroong isang lalaki na bumaba umikot siya sa likod at binlock ang way ko at kinuha yung gamit ko. Tinulak niya ako tapos napahiga ako at bumagsak nalang po sa kalsada,” sabi ng biktima. 

ADVERTISEMENT

“So nakuha po niya ung mga gamit ko lahat tapos tumakbo nalang din ako pauwi ng bahay kasi po mas malapit yung way ko sa bahay tapos tiningnan ko nalang din po yung plate niya para lang po alam ko,” dagdag niya.

Agad niyang idinulog sa pulisya ang nangyari at doon nagkasa ng operasyon ang La Loma police. 

“Agad po tayo nagbuo ng tracker team para po magsagawa ng follow up operation nagresulta naman po ito ng pagkakaaresto suspek through CCTV backtracking,” sabi ni PLtCol. Ferdinand Casiano, station commander ng La Loma police. 

“Sa loob lamang po ng 10 oras sa pakikipagtulungan ng ating barangay ating cctv natunton agad yung suspek so natunton natin location niya,” dagdag niya. 

Hindi narecover ng pulisya ang natangay na ATM cards, ID, P1,500 cash at cellphone ng biktima. 

ADVERTISEMENT

Nakuha ng PNP ang sasakyan na ginamit ng isa sa mga suspek sa krimen. 

Nakakulong na ngayon sa La Loma police ang isa sa mga suspek habang pinaghahanap pa ang kanyang kasamahan.

“No comment na lang po,” sabi ng suspek. 

Mahaharap siya sa reklamong robbery snatching. 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

ad