'Tao Po' : Tatay na nakatira sa kalsada nag-aampon ng mga aso | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Tao Po' : Tatay na nakatira sa kalsada nag-aampon ng mga aso

ABS-CBN News
Published Dec 27, 2024 02:05 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Kumalat kamakailan sa social media ang litrato ni Tatay Carlos Borero kasama ang kanyang mga alagang aso.

Pitong taon ng nahihilig sa pag-aalaga ng aso si Tatay Carlos at hindi nya inaasahang dadami ang mga mga ito.

Kwento niya, "Nag-umpisa na po 'yan sa dalawang puting magkapatid, Nakakapulot po ako ng paisa-isa hanggang sa umabot po 'yan sila ng pito. Nangangailangan po sila ng kalinga, wala po silang nanay, ako na lang ang tatay. Ayos naman ang pag-aruga ko sa kanila."

Tulad ng mga napupulot niyang aso sa daan, dito rin mismo sa kalsada lumaki at nagkaisip si tatay Carlos.
Tulad ng mga napupulot niyang aso sa daan, dito rin mismo sa kalsada lumaki at nagkaisip si tatay Carlos.
ADVERTISEMENT
Sampung taong gulang pa lang, sa kalsada na siya nakatira. Natutong mamuhay mag-isa si tatay Carlos mula noon.

Araw-araw, mga alagang aso ang kasama ni tatay sa lansangan kaya naman parang mga anak ang turing niya sa mga ito.

Malaki ang pagmamahal ni Tatay Carlos sa mga aso dahil minsan na umanong isinalba ng mga ito ang kanyang buhay.

Sabi niya, "Buhay ko po ang tinubos nila sa akin. 'Yung paborito kong aso namatay tapos ako buhay. Sinasabi ko lang na 'yan ang simbolo ng buhay ko. Kapag mahina na nga po ako, lumalakas na lang po ako sa kanila. Parang nagpapalakas sila."

Hangga’t nabubuhay, hindi raw mapapagod si tatay Carlos na alagaan ang mga alagang aso.

Ulat ni Bernadette Sembrano para sa programang Tao Po. (December 15, 2024)
Mapapanood ang mga episode ng Tao Po dito.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT