FACT CHECK: Kailangan ng konteksto ang mga bagong post ukol sa confidential funds ng DOJ noong 2015 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Kailangan ng konteksto ang mga bagong post ukol sa confidential funds ng DOJ noong 2015

ABS-CBN Research and Verification Unit
Published Dec 21, 2024 03:46 PM PHT
|
Updated Dec 21, 2024 04:57 PM PHT

Kumakalat ngayon sa social media ang pagkuwestiyon ng Commission on Audit (COA) sa confidential funds ng Department of Justice (DOJ) noong 2015 sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Leila De Lima. Nangangailangan ito ng konteksto.

Ibinahagi ng ilang user ang clip ng livestream ni blogger Sass Rogando Sasot noong Disyembre 1, 2024 kung saan binatikos niya si De Lima gamit ang lumang COA report. Ayon sa COA findings na binanggit ni Sasot, P91.9 milyon ng DOJ confidential funds noong 2015 ang walang disbursement voucher at P123.8 milyon ang walang liquidation report.

Muli ring ibinahagi sa social media ang artikulo ukol sa isyung ito. Pinamagatan ang artikulong “De Lima leaves DOJ with unliquidated P91.896M confidential funds.” Una itong inilabas noong Mayo 2016 nang manalo si De Lima sa pagka-senador noong panahong iyon.

Bagama’t totoo ang tinutukoy na 2015 COA audit findings sa mga post, naresolba na ng DOJ ang mga ito, batay sa 2016 at 2018 COA reports. Nangyari ito sa huling termino ni De Lima sa DOJ. Nagbitiw siya sa puwesto noong Oktubre 2015 para tumakbo bilang senador noong 2016, alinsunod sa probisyon ng Omnibus Election Code.

Sinabi sa COA audit report noong 2016 at 2018 na “fully implemented” na ang mga inirekomendang aksyon at wala nang naging karadagang puna ang komisyon.

PALIWANAG NG DOJ
Ang disbursement voucher ay isang dokumentong inihahanda bago pa man maglabas ng pera para sa obligasyong pinansyal ng ahensya. Kalakip nito ang mga sumusuportang dokumento tulad ng kontrata at resibo at nagsisilbing batayan para sa pag-isyu ng tseke o cash payment.

Samantala, ang liquidation ay ginagawa pagkatapos gamitin ang pondo. Dito, inihahanda at isinusumite ang mga resibo, invoice, at ulat para ipakita kung paano at saan ginamit ang perang nailabas.

Sa 2016 audit report, idinahilan ng DOJ ang mahabang propeso ng pag-aayos ng papeles kaya hindi ito nakapagsumite ng disbursement voucher sa loob ng itinakdang panahon noong 2015. Matagal umanong iproseso ang papeles ng 25 na disbursing officer ng Witness Protection, Security and Benefit Program na tumatanggap ng cash advance kada dalawang buwan.

Batay sa Joint Circular No. 2015-01 ng COA at ng Department of Budget and Management, may pitong araw ang ahensiya para isumite and disbursement voucher pagkatapos mailabas ang tseke o pera.

Sa 2018 audit report naman, sinabi ng DOJ na magsasagawa ito ng training para sa mga kawani nito upang matiyak ang maagap na pagsusumite ng mga dokumento para sa liquidation. Nagtalaga rin umano ang ahensiya ng dalawang disbursing officer: isa para sa report at isa para sa paglabas ng pondo. Tinitiyak din nito na hindi sila maglalabas ng pera sa mga opisyal na may hawak pang pera o may pera pang hindi nili-liquidate.

CONFIDENTIAL FUNDS NI VP DUTERTE
Kilala ang blogger na si Sasot bilang tagasuporta ni dating Pang. Rodrigo Duterte. Si De Lima naman ay isang vocal critic ng administrasyong Duterte at ng isyu ng confidential funds na nauugnay sa anak nitong si Bise Presidente Sara Duterte.

Umani si Duterte ng batikos nang mag-isyu ang COA ng notice of disallowance sa P73 milyon na confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2022. Ang notice of disallowance ay isang abiso mula sa COA na nag-uutos na ibalik ang mga gastusin na itinuturing na hindi regular, sobra, hindi kinakailangan, o labag sa batas.

Ayon din sa COA, hindi pa na-settle ang mga disallowance, suspension, at charge na umabot ng P12.3 billion sa budget ng Department of Education (DepEd) noong 2023 sa ilalim ng pamumuno ni Duterte.

Pinuna rin ng COA ang paggamit ng OVP ng confidential funds para sa travel at iba pang mga gastusin noong 2023 at ang hindi sapat na dokumentong nagtutukoy sa mga benepisyaryo ng welfare programs nito.

Ang mga isyung ito ay ilan sa mga naging batayan ng tatlong impeachment complaint na inihain laban kay Duterte.

Paulit-ulit itinanggi ni Duterte na may mali sa paggamit ng pondo ng OVP at ng DepEd sa ilalim ng pamumuno niya.—with research and reporting from Rowena Caronan and Kevin Luis Fernandez

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o X account @abscbnfactcheck.
Read More:
Leila De Lima
Department of Justice
DOJ
Commission on Audit
COA
COA annual audit report
confidential funds
misinformation
disinformation
fact check
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT