Japanese arestado matapos manutok ng baril sa Las Piñas City | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Japanese arestado matapos manutok ng baril sa Las Piñas City

Japanese arestado matapos manutok ng baril sa Las Piñas City

Jessie Cruzat,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Arestado ang isang 62-anyos na Japanese national sa Las Piñas City matapos umanong tutukan ng baril ang isang 20-anyos na rider na naghatid sa kanya gamit ang nirentahang motorsiklo.   

Ayon sa biktima, nangyari ang insidente Linggo ng umaga, Disyembre 1, nang pakiusapan umano siya ng naturang banyaga para magpahatid sa lugar ng CAA kapalit ang napagkasunduang bayad na P400.

“Ito po si Hapon, lumapit sa akin kung pwede daw ako maarkila na ihatid siya sa CAA. Ngayon po pumayag ako, sinabi ko magkano ba ibabayad mo? Babayaran kita ng 400. Nilinaw ko sa kanya, sabi ko hanggang CAA lang po. Pumayag siya," ayon sa biktimang rider.  

Nang makarating sa destinasyon, bumaba ang banyaga at nakipag-usap umano sa isang lalaking tila naghihintay sa lugar.

ADVERTISEMENT

Narinig umano ng rider na nagtatalo ang dalawa. Pagbalik ng banyaga, inutusan nitong ihatid siya sa Parañaque.  

"Kaya hindi pa po ako umalis kasi inaantay ko 'yong bayad. Pagbalik niya sa akin, ‘Ihatid mo na ako sa Parañaque!' Taas ng boses niya po sa akin kaya nagulat ako sa kanya," dagdag ng biktima.  

Tumanggi ang rider at dito na umano siya tinutukan ng baril.

“Pag sakay niya, sumakay na siya, biglang may tumuhog na sa tagiliran ko. Nagulat ako. Pag tingin ko, baril. Bigla niyang ginanon sa mukha ko. Hindi na ako nakagalaw. Sinunod ko 'yong sabi niya na ‘Ihatid mo na ako,'” ayon pa sa rider.  

Hindi pa nakalalayo sa lugar, nagkaroon umano ng pagkakataon ang biktima na magsumbong sa mga pulis matapos silang sitahin dahil sa hindi pagsusuot ng helmet ng banyaga.  

ADVERTISEMENT

“Habang chinecheck ng mga pulis 'yong lisensya, nakakuha po ako ng tiyempo para maisumbong ko po. Sinabihan ko po 'yong isang pulis ng 'sir, may baril po 'yan,'” dagdag ng biktima.  

Kinumpirma ni Police Colonel Sandro Jay Tafalla, hepe ng Las Piñas City Police Station, na nakumpiska mula sa banyaga ang isang revolver na airgun.  

“On that point, nagresponde ang pulis. At doon nga nahuli itong Hapon na ito dala-dala itong baril na pinantutok," ayon kay Tafalla.  

Mariin namang itinanggi ng banyaga ang mga paratang sa kanya.  

“Hindi ko alam. Talagang hindi talaga. Dapat totoo lang sinabi. Dapat wag na takutin ng pulis. Kung honest, panalo," depensa ng suspek.  

ADVERTISEMENT

Ayon sa pulisya, kakasuhan ang banyaga ng paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Grave Threat.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.