19-anyos na babae, nahulihan ng P700k ilegal na droga sa Payatas | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
19-anyos na babae, nahulihan ng P700k ilegal na droga sa Payatas

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Arestado ang isang 19-anyos na babae sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Payatas A, Quezon City, Martes ng madaling araw.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rolando Baula, Station Commander ng QCPD Station 13, nakipagtransaksyon ang kanilang poseur buyer sa suspek para sa 1,500 pesos na halaga ng hinihinalang shabu. Nang magpositibo ang palitan ng pera at ilegal na droga ay doon na inaresto ang suspek.

Ayon sa pulisya, mga residente sa lugar ang nagsumbong sa nangyayaring bentahan ng ilegal na droga.

“Base sa aming impormasyon mga kliyente niya mga taga Barangay Payatas lang so doon lang siya nagcoconcentrate,” sabi ni PLt. Col. Baula.

ADVERTISEMENT
Nakumpiska sa suspek ang nasa 110 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 748,000 pesos.

Itinanggi ng suspek na nagbebenta siya ng ilegal na droga at sinabing ang tumakas na asawa niya ang pusher.

“Ang mali ko lang po is tinolerate ko yung asawa ko pero hindi po talaga ako nagbebenta. Hindi rin po ako gumagamit. Pinilit ko naman po 'yung asawa ko na magbago kami para po meron akong peace of mind kasi nga po nagkakasakit na ako sa kanya,” sabi ng suspek.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa QCPD Station 3 at mahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.