Lalaki natagpuang patay sa harap ng mall sa Recto, Maynila | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki natagpuang patay sa harap ng mall sa Recto, Maynila

MAYNILA — Nabulabog ang mga dumaraan sa hagdan ng istasyon ng tren sa Recto Avenue, Maynila nang makita ang nakahandusay at wala nang buhay na matandang lalaki nitong Martes ng gabi.

Ayon kay Abby Santos, isa sa mga nakakita, agad niyang ipinagbigay alam sa barangay ang pangyayari, pasado alas-6 ng gabi.

Maya-maya pa ay rumesponde ang mga pulis at ambulansya sa lugar. Dumating din sa lugar ang pamilya ng lalaki.

“Nagmalasakit lang po ako sa kanya para matulungan siya ng barangay. Hindi maintidihan ‘yung lenggwahe niya kasi Chinese. Para sa akin para ko na rin siyang...kasi ako rin namatayan ng daddy,” sabi ni Santos.

Ayon sa Manila Police District, dinala naman sa ospital ang lalaki.

Hinihintay pa ang resulta ang autopsy ng biktima pero malaki ang posibilidad na natural ang sanhi ng pagpanaw ng matandang lalaki, ayon sa pulisya.

Nakitang bumula ang bibig ng lalaki nang bumagsak ito sa hagdan habang may dala-dalang market bag.