Paggamit ng uniporme ng pulis bilang costume, ipinagbabawal sa batas: PNP | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paggamit ng uniporme ng pulis bilang costume, ipinagbabawal sa batas: PNP

MAYNILA — Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) ng kaukulang kaparusahan sa magsusuot ng uniporme ng pulis bilang costume sa mga pagtitipon o party.

Ito’y matapos mag-trending sa social media ang dayuhang executive ng isang automobile manufacturing company na nagsuot ng police uniform sa Christmas party.

Ayon kay PNP spokesperson Jean Fajardo, paglabag sa Article 179 ng Revised Penal Code ang pagsusuot ng uniporme, insignia, o ano mang gamit ng law enforcer ng hindi awtorisadong indibidwal.

Dagdag ni Fajardo, iimbestigahan ang dayuhang gumamit ng uniporme ng pulis, kabilang kung paano siya nakakuha ng uniporme o kung nakapanghiram siya.

ADVERTISEMENT
Nabatid din kasi na may patch ng PNP Special Action Force ang sinuot na uniporme ng dayuhan.

“We will have to check how this person was able to even procure ‘yong set ng uniform na sinuot niya. So, kung pa-file-lan ba natin ng kaso ‘yan? I will let ‘yong investigator on case, ‘yong merong jurisdiction dito,” saad ni Fajardo.

“Let us beware na bagamat ito ay for fun lang, but this will not sit well with the PNP,” dagdag niya.

Maaaring makulong ng hanggang anim na buwan ang mapatutunayang lumabag sa naturang batas, ayon kay Fajardo.

KAUGNAY NA VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT