FACT CHECK: Hindi sinabi ni Liza Marcos na kaya niyang ipapatay si VP Sara Duterte | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Hindi sinabi ni Liza Marcos na kaya niyang ipapatay si VP Sara Duterte
ABS-CBN Investigative and Research Group
Published Nov 28, 2024 10:16 AM PHT
|
Updated Dec 13, 2024 09:19 PM PHT

Pinutol ang interview ni First Lady Liza Marcos sa isang YouTube program para pagmukhaing sinabi diumano niya na kaya niyang ipapatay si Bise Presidente Sara Duterte anumang oras.

Ini-upload ang video sa Tiktok at X (dating Twitter) at nilagyan ng tekstong: “Katotohanang si Lisa Marcos mismo nauna magsabi na anytime kaya nyang ipa assasin si VP SARA.”

Maririnig sa clip na sinasabi ng first lady na: “If you’re the President of the Philippines and I'm the ‘fierce’ lady, fierce ha, sa palagay mo ba hindi ko kayang gawin ‘yan? Ay Diyos ko, tawagin mo lang yung *unintelligible* dyan kayang-kaya.”

Kinuha ang clip mula sa Abril 19, 2024 episode ng show ni Anthony “Tunying” Taberna na Tune In Kay Tunying sa YouTube mula 39:48 - 39:59. Pinutol ang parte ng video na ito para magmukhang nagsasalita si Marcos tungkol sa pagpapapatay kay Duterte.

Pero sa bahaging ito ng panayam, pinag-usapan nina Marcos at Taberna ang diumano’y “concerted effort” ng mga vloggers na tagasuporta ng mga Duterte para sirain ang pangalan niya at ng pangulo. Nabanggit ang mga vloggers na sina Sass Rogando Sasot, RJ Nieto, at Maharlika Boldyakera.

Tinanong ni Taberna kung sa tingin ba ni Marcos ay para sa pera ang ginagawa ng mga vloggers. Mula 39:46 hanggang 40:11, maririnig ang buong tugon ng first lady:

"Hindi ito na lang ha, sila ginagawa [‘yan], if you’re the President of the Philippines and I'm the fierce lady, fierce ha, sa palagay mo ba hindi ko kayang gawin ‘yan? Ay Diyos ko, tawagin mo lang yung *unintelligble* dyan kayang-kaya but it has to stop. This cannot be, hindi gano’n ‘yung Pinoy. Let them do their thing. Sa palagay mo ba hindi namin kayang gawin ‘yan? You’re the president of the country.”
Madaling araw noong Nobyembre 23, 2024, sinabi ni Duterte sa isang Zoom press briefing na may nakausap na siyang tao para ipapatay sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, ang first lady, at House Speaker Martin Romualdez sa oras na siya ay patayin.

Ipinahayag ito ni Duterte matapos iutos ng House Committee on Good Government and Public Accountability na ilipat ang kaniyang chief of staff na si Zuleika Lopez mula sa House detention facility patungong Correctional Institute for Women sa Mandaluyong.

Nakadetine sa Kongreso si Lopez mula Nobyembre 20 matapos itong i-cite in contempt ng nasabing komite na nag-iimbestiga sa confidential funds ng bise presidente. Sinugod sa ospital si Lopez umaga ng Nobyembre 23 matapos umanong mahimatay at magsuka.

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o X (dating Twitter) account @abscbnfactcheck.
Read More:
Liza Marcos
first lady
Vice President Sara Duterte
VP Duterte
assassination
misinformation
disinformation
fact check