ALAMIN: Ano ang HIV, paano ito naipapasa at maiiwasan

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Ano ang HIV, paano ito naipapasa at maiiwasan

Rowegie Abanto,

April Anne Benjamin,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng HIV o human immunodeficiency virus sa Pilipinas na isa sa may pinakamabilis na epidemya sa buong mundo.

Noong Enero hanggang Marso 2025, nakapagtala ang gobyerno ng 57 kaso ng HIV araw-araw.

Narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa HIV.

ADVERTISEMENT


PAANO NAIPAPASA ANG HIV?


Ang HIV ay virus na sumisira sa immune system ng katawan. Kapag humina ang resistensiya, mas madaling dapuan ang tao ng iba’t ibang sakit. 

Kahit sino ay puwedeng magkaroon ng HIV — anuman ang kasarian o gender identity.

Pakikipagtalik o sexual contact ang pinakakaraniwang paraan ng transmission o kapag pumasok sa katawan ang body fluids tulad ng:

  • • Semen o precum
  • • Vaginal secretions
  • • Dugo


Maaari din itong makuha sa:

  • • Paghihiraman ng karayom, syringe at iba pang drug injection tools 
  • • Pagbubuntis, panganganak, o pagpapasuso (mother-to-child transmission)
  • • Pagtanggap ng dugo o organ mula sa donor na may HIV


Hindi ito naipapasa sa: 

ADVERTISEMENT

  • • Pawis, luha, o laway
  • • Pagyakap, beso, o pakikipagkamay
  • • Paghihiraman ng utensils
  • • Paggamit ng public restrooms


Tandaan: Hindi nabubuhay nang matagal ang HIV sa labas ng katawan ng tao. 

 

PAANO MAIIWASAN ANG HIV?


Maging tapat sa partner at regular na magpa-test.  

Kung sexually active o may higit sa isang partner, laging gumamit ng condom at lubricant sa bawat pakikipagtalik. 

Gamitin ang: 

  • • PrEP o pre-exposure prophylaxis – bilang proteksyon bago ka posibleng ma-expose 
  • • PEP o post-exposure prophylaxis – emergency treatment pagkatapos ng posibleng exposure


Kumonsulta sa doktor o magpunta sa social hygiene clinics para sa PrEP at PEP. 

ADVERTISEMENT

 

SINTOMAS AT DIAGNOSIS


Posibleng lumabas ang sintomas 3 hanggang 6 linggo matapos ma-expose sa virus.

Ilan sa mga posibleng sintomas ay ang sumusunod:

  • • Lagnat 
  • • Pagkapagod 
  • • Rashes 
  • • Sore throat 
  • • Pananakit ng katawan


May ibang walang nararamdamang sintomas. 

Tanging HIV test lamang ang makapagsasabi kung nahawahan ng virus ang isang tao o hindi.


TREATMENT PARA SA HIV


Hindi na death sentence ang HIV dahil may antiretroviral therapy (ART) na nakapagpapababa ng viral load. 

ADVERTISEMENT

Sa tamang gamutan, maaaring mamuhay nang normal ang isang taong may HIV. 


ANO ANG PAGKAKAIBA NG HIV SA AIDS?


HIV ang virus samantalang AIDS o acquired immunodeficiency syndrome ang malalang kondisyon dulot ng HIV — kung saan sobrang hina na ng immune system at lumalabas na ang iba't ibang sakit.

Maaaring hindi mauwi sa AIDS kung maagapan agad at magagamot ng ART.

Kahit ma-diagnose ng AIDS, may gamutan pa rin para dito.

  • Sources:
  • • Department of Health
  • • Stanford Medicine
  • • HIV and AIDS Surveillance of the Philippines Jan-March 2025

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.