Gamot kontra-gout mula sa ‘pansit-pansitan’, inihahanda na | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Gamot kontra-gout mula sa ‘pansit-pansitan’, inihahanda na

Gamot kontra-gout mula sa ‘pansit-pansitan’, inihahanda na

Job Manahan,

Patrol Ng Pilipino

Clipboard



MAYNILA—Inaasikaso na ng Philippine Institute of Traditional and Alternative Healthcare na makakuha ng Food and Drugs Administration (FDA) certificate for product registration ang gamot na dinebelop ng University of the Philippines (UP) Manila kontra-gout na mula sa halamang ‘ulasimang bato’ o ‘pansit-pansitan’.

Matapos ang isinagawang clinical trials, napatunayang epektibo ang halaman na gamot sa gout, isang uri ng arthritis sanhi ng mataas na lebel ng uric acid sa katawan. Meron itong mga katangiang analgesic, anti-inflammatory, at anti-hyperucimic gaya ng synthetic drugs na allopurinol at febuxostat. 

Ayon kay Propesor Jade Rodriguez, mas ligtas na panlaban sa gout ang ‘pansit-pansitan’ dahil hindi ito nagdudulot ng side effects sa bato at atay kumpara sa synthetic na mga gamot. 

Naghahanap na rin ang Technology Transfer and Business Development Office (TTBDO) ng unibersidad ng mga katuwang para sa produksiyon at pagbebenta ng gamot. – Ulat ni Job Manahan, Patrol ng Pilipino

ADVERTISEMENT

Edited by Job Manahan; post-production by Chim Cantos


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.