Paano malalaman kung meron kang scoliosis? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paano malalaman kung meron kang scoliosis?

ABS-CBN News
Published Apr 28, 2025 07:21 PM PHT
|
Updated Apr 29, 2025 07:00 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Ang scoliosis ay ang maling postura o sideward abnormality o sideward deviation ng vertebral column (hindi ng spinal cord), ayon kay Doc Denis Ngo.
Sa buong mundo, tinatayang 2–3 porsiyento ng populasyon ang may scoliosis na may sintomas.

Ito ay madalas napapansin sa mga edad 10 hanggang 18, kung saan nagsisimula nang tumabingi ang gulugod. Mas madalas din magkaroon ng scoliosis ang mga kababaihan.
Mapupuna ito sa mga tao kung saan makikitang hindi pantay ang balakang o balikat. Madalas din ay napapasandal ang mga taong may scoliosis.
Dagdag pa ni Doc Denis, mahalagang macheck agad ang problemang ito upang maagapan at magamot nang maaga. Kung hindi ito ma-address, maaaring magdulot ito ng problema sa postura, tindig, at maaari pang lumala ang pagbabaluktot ng gulugod.
Sa ilang kaso, sobrang halata ang pagtabingi ng vertebral column.
Maaari rin itong maging genetic — kung ito ay nasa pamilya, may posibilidad na maipasa sa susunod na henerasyon.
Kapag sobra ang pagkatabingi, kinakailangan ng ehersisyo; may mga pagkakataon na kinakailangan na rin ng surgical intervention o spinal fusion. Kapag 20 degrees pababa kailangang obserbahan, kapag 20-40 degrees ay kailangang suuton ng brace, samantalang kapag 41 degrees pataas ang pagkatabingi, maaring kailanganin nito ang surgery.
Ang kritikal na deviation sa mga taong may scoliosis ay kapag umabot na sa 40 hanggang 50 degrees ang curvature ng spinal column.
Payo niya: agad na kumonsulta sa doktor kapag may nararamdaman o nakikitang pagtabingi ng gulugod.