FACT CHECK: Peke ang video ni Charo Santos na nag-eendorso ng gamot sa arthritis | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: Peke ang video ni Charo Santos na nag-eendorso ng gamot sa arthritis

FACT CHECK: Peke ang video ni Charo Santos na nag-eendorso ng gamot sa arthritis

ABS-CBN Research and Verification Unit

Clipboard

FACT CHECK: Peke ang video ni Charo Santos na nag-eendorso ng gamot sa arthritis

Ginamitan ng artificial intelligence o AI ang video na nagpapakita kay ABS-CBN executive Ma. Rosario “Charo” Santos-Concio na nag-eendorso ng diumano’y naging lunas sa sakit niyang chronic arthritis.

Ini-upload ang naturang video ng isang impostor na Facebook page na “Philippine Orthopedic Center News 24H” at nilagyan ng caption na "Ang sikreto para matulungan si Charo Santos na mawala ang pananakit ng kasukasuan sa loob lamang ng 7 araw.”

Minanipula ang bibig, galaw, at boses ni Santos para pagmukhaing sinasabi niyang, “Nang sinimulan ko itong natural na solusyon araw-araw, unti-unting nawala ang sakit.”

Hindi binanggit sa video ang produktong ineendorso, pero hinihikayat ang manunuod na pindutin ang link sa post na nakadirekta sa isang kahina-hinalang webpage.

ADVERTISEMENT

Sa isang statement, pinabulaanan ni Santos ang naturang video at pinaalalahanan ang publiko na huwag agad maniniwala sa mga impormasyong hindi galing sa kanyang opisyal na pages.

“May kumakalat pong video na ginamitan ng AI para gayahin ang aking boses at mukha. Ginamit ito para magbenta ng gamot na hindi ko po ineendorso,” sabi ni Santos.

Kinumpirma ng AI-detection tool na Hive Moderation na mataas ang posibilidad na deepfake ang naturang video.

FACT CHECK: Peke ang video ni Charo Santos na nag-eendorso ng gamot sa arthritis

Maaaring pinaggayahan ng manipuladong video ang ini-upload na content ni Santos sa Instagram noong Abril 10, 2025 para sa ikawalong episode ng kanyang short video series na “Dear Charo.” Kapansin-pansin ang pagkakatulad ng suot ni Santos at ng kanyang background sa dalawang video.

Nilinaw naman ng Philippine Orthopedic Center (POC) na hindi sila konektado sa Facebook page na nag-post ng mapanlinlang na video. Ayon sa ospital, Philippine Orthopedic Center ang kanilang opisyal na Facebook page.

ADVERTISEMENT

“We can definitively say that the page called ‘Philippine Orthopedic Center News 24H’ is an unauthorized FB page purporting to be a legitimate account of the Philippine Orthopedic Center,” sabi ng POC sa isang statement.

“We condemn in the strongest possible terms this blatant attempt to spread false information to the public,” dagdag nito. 

Mayroon nang 1.4 milyon views at 8,200 reacts ang naturang pekeng video ni Santos na ipinost noong Abril 21.

Na-fact check na rin ng ABS-CBN ang iba pang AI-generated at deepfake na video.

 

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o X (dating Twitter) account @abscbnfactcheck. 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.