ALAMIN: Mga dapat gawin para makaiwas ang mga bata sa kuto | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga dapat gawin para makaiwas ang mga bata sa kuto

ALAMIN: Mga dapat gawin para makaiwas ang mga bata sa kuto

ABS-CBN News Digital Intern,

Fritz Arada

Clipboard

MANILA - Ngayong panahon ng tag-init, isa sa patuloy na kinakaharap ng mga magulang ay ang paglipana ng kuto sa buhok at anit ng mga bata. Ngunit paano nga ba maiiwasan ito?

Ayon kay Dr. Frances Ordoñez, internal medicine specialist mula Quezon City Health Department, ang kuto ay isang uri ng parasite infection na makikita hindi lamang sa anit, kundi maging sa ibabang bahagi ng katawan na may buhok.

“Kuto is a parasitic infection of usually hairy areas of the body. Not specifically the head only, pwede rin sa lower extra private parts na may hair or pwede sa other parts ng katawan na may hair.”

Dagdag pa ni Ordoñez, ang pangunahing dahilan ng mabilis na pagkalat ng kuto ay hindi tamang hygiene practices.

ADVERTISEMENT

“It's a contagious disease, not a disease but just a condition, it's a parasitic infection na brought about by unhygienic practices. Like, for example, may kuto 'yung friends mo or kasama mo sa bahay then iisa 'yung ginagamit niyong suklay or magkatabi kayong matulog na nagta-travel 'yung lice from hair strands to hair strands,” paliwanag ng doktor.

Ayon sa kanya, kabilang din ang hindi regular na pagligo sa mga rason ng mabilis ng paglipana ng kuto, lalo na sa mga batang hindi pa ganap na maingat sa kanilang personal na kalinisan.

Bakit mas uso ang kuto tuwing tag-init?

Ayon kay Ordoñez, mas nabubuhay ang kuto sa katawan ng tao tuwing panahanon ng tag-init. 

"Head lice is more on the nagta-thrive siya sa mga hair follicles natin and pag mainit...yung hair mo kasi is para bang more convenient for them to thrive. At saka mas mabilis silang mag-reproduce.”

Ipinapakita nito na kapag mas mataas ang temperatura, mas mabilis dumami ang mga kuto, na nagiging dahilan sa pagtaas ng kaso tuwing tag-init.

ADVERTISEMENT

Bakit mas prone ang mga bata sa kuto? 

Ayon kay Ordoñez, mas madalas kapitan ng kuto ang mga bata kumpara sa matatanda dahil sa mga ilang rason:

1. Kakulangan sa kamalayan sa personal hygiene

“More on bata kasi 'di ba hindi sila aware na may head lice. So akala nila usual itchiness lang ng scalp," paliwanag niya. Dahil dito, hindi nila agad nairereklamo o naiiwasan ang pagkakaroon ng kuto.

2. Pakikisalamuha sa ibang bata

Karaniwan sa mga bata ang maglaro nang magkakadikit, manghiram ng gamit tulad ng suklay, headband, o unan, na maaaring pagmulan ng pagakakaroon ng kuto. 

ADVERTISEMENT

3. Hindi regular na paglilinis ng katawan

Ayon sa doktor, kapag ang bata ay hindi madalas naliligo, mas lumalaki ang posibilidad na magkaroon ito ng kuto. 

Mga epektibong paraan upang maiwasan ang kuto sa bata

Ani Ordoñez, narito ang ilang rekomendasyon na maaaring sundin ng mga magulang upang maproktehan ang kanilang mga anak laban sa kuto. 

1. Regular na pagsusuri ng anit 

Mahalaga ang maagap na pagsusuri sa buhok ng mga bata para agad matukoy ang unang sensyales ng kuto, katulad ng matinding pangangati at pagkakaroon ng kuto at itlog (nits). 

ADVERTISEMENT

2. Paggamit ng anti-lice shampoo

Ayon kay Ordoñez, ito ay epektibo at mabibili sa botika ang mga produktong ito. 

3. Magsuklay gamit ang fine-toothed comb (Pagsusuyod)

Ang paggamit ng fine-toothed lice comb ay makatulong na tanggalin ang mga nits at anumang natitirang kuto. 

4. Tamang imbakan ng personal na gamit

ADVERTISEMENT

Iwasan ang paggamit ng iisang suklay, tuwalya, o head accessory ng isang gamit lang para sa lahat.

5. Pagpapaiksi ng buhok

Ininirekomenda din ni Ordoñez ang pagpapaiksi ng buhok ng mga bata. “Kasi the more na mahaba 'yung hair mo, the more na madami siyang areas na babahayan.” Sa ganitong paraan, nababawasan ang tirahan ng mga kuto at mas madaling malinis ang buhok.

Habang hinaharap natin ang hamon ng matinding init at pagtaas ng temperatura, tandaan na ang wastong impormasyon at preventive measures ang susi upang mapanatiling malinis at komportable ang ating mga bata.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.