Ano ang mga sintomas ng autism at bakit hindi pa rin tukoy ang sanhi nito? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ano ang mga sintomas ng autism at bakit hindi pa rin tukoy ang sanhi nito?

Ano ang mga sintomas ng autism at bakit hindi pa rin tukoy ang sanhi nito?

Clipboard

MAYNILA — Hanggang sa ngayon, hindi pa rin tiyak ng mga eksperto kung ano nga ba ang nagiging sanhi ng autismo o autism spectrum disorder (ASD), isang neurological at developmental disorder na nakaaapekto sa pakikihalubilo, palkikipag-usap, at pagkatuto ng isang tao. 

"Actually, hindi pa natin matiyak ano talaga. May nagsasabi genetics, puwedeng sa environment, puwedng sa kinakain, iba-iba ang pinagmumulan," sabi ni Dr. Francis Dimalanta, developmental pediatrician ng St. Luke's Medical Center, sa panayam ng Teleradyo Serbisyo.

Sabi ni Dimalanta, nakababahala na ang pagdami ng kaso ng autism sa bansa, na tinatayang nasa 1.5 million na sa ngayon.

"Ang nakakabahala po, when I started my fellowship around 20 plus years ago, 1:500 lang po ang autismo worldwide, pero ngayon 1:36 kaya po napaka-alarming," aniya.

ADVERTISEMENT

DETECTION, SINTOMAS, GAMUTAN

Ayon sa doktor, pinaka-importante ay matukoy kaagad kung ang isang bata ay may autismo, na maaaring gawin bago mag edad 2 ang isang bata.

"Early recognition means early diagnosis so better prognosis, kasi as early as 18 months makikita na po natin kung ang bata ay may sintomis ng autismo," sabi niya.

Maaaring maobserbahan ang autismo sa mga sumusunod:

• Speech delay 

• Social unrelatedness (nahihirapan makisalamuha sa mga tao)

ADVERTISEMENT

• stereotypical movement (paulit ulit na galaw tulad ng hand flapping, spinning, o swirling)

Sa speech delay, sinabi ni Dimalanta na pagtungtong ng 2 years old ay dapat may 50 salita nang alam ang isang bata.

"Ang madaling tandaan, ang isang 2 year old child merong 50 words dapat, excluding mama, papa, lolo, lola, ama, angkong. Kasi minsan sasabihin ng parents sakin may 26 words sya, yung alphabet, eh pwedeng namemorya nya lang," aniya.

Sabi ng doktor, normal ang maging in-denial, pero kailangan ay matanggap ito ng mga magulang para mas maaga nilang matugunan ang karamdaman ng anak.

"Kritikal po ang early detection, early intervention na dapat po nangyayari between the first 6 years of life... Ang hindi alam ng parents, dapat maaga ang kanilang pagpasok sa special education, para ma-mainstream natin sila to regular schooling kung kakayanin," aniya.

ADVERTISEMENT

Aminado naman ang doktor na matagal ang detection ng autism, lalo't walang test na makapagsasabi nito at kailangan ng mahabang obserbasyon bago ito matiyak.

"Unang-una po walang test na magsasabi na autistic ang bata, pangalawa ang gamot biniigay pag may maladaptive behavior or meron syang attention difficulty so hindi lahat ginagamot," dagdag niya.

MISCONCEPTION

"Maraming misconception about autism na dapat natin ma-correct, like hindi daw sila marunong makihalubilo. Hindi po totoo yan, kasi kailangan turuan lang po sila. Kailangan lang natin malaman bakit sila umaasal nang ganon," ani Dimalanta.

Hindi rin daw totoo na "bad parenting" ang sanhi ng autismo. 

"Isa pang misconception ay dahil daw sa bad parenting, hindi po totoo yun. Kaya lagi kong sinasabi sa parents pag nakikita ko sila, inaabswelto ko sila of any feeling na baka sila ang nag-cause," aniya.

ADVERTISEMENT

Sabi ng doktor, ang "guilt" ay karaniwang nagiging dahilan para i-spoil ang batang may autismo, na maaari namang makaapekto sa kanilang pagiging independent.

"They tend to overindulge the child... Kailangan matutuo sila maging independent... Tandaan po natin ito ay lifelong disorder na neurological," aniya.

Marami rin daw mga taong may autismo na "high functioning."

"Natatapos po sila ng medisina, nagiging lawyer, to become any job that they want to be... Hahanapin po natin ang gifts ng bawat bata. Lahat ng bata may natatanging gift, kailangan lang natin i-hone."

KAUGNAY NA VIDEO



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.