ALAMIN: Iba-ibang uri ng pangontra sa lamok | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Iba-ibang uri ng pangontra sa lamok

MAYNILA — Dahil sa mataas na kaso ng dengue sa bansa, marami ang gumagamit ng iba-ibang uri ng pamuksa sa lamok.

Isa na ang katol sa karaniwang ginagamit sa mga tahanan na pangontra sa lamok pero ilan din sa mga alternatibo ang mosquito lotion, mosquito lamp killer at mosquito racket killer.

Gayundin, itinuturing ding pangontra ang halamang citronella dahil sa amoy nitong nakapagpapataboy sa mga lamok.

Naging mainit na balita rin kamakailan ang pamamaraan ng pagpuksa sa mga lamok na nagdadala ng dengue ng ilang barangay.

Sa lahat ng ito, pinakamainam pa rin ayon sa Department of Health o DOH na panatilihing malinis ang paligid na maaring pamugaran ng mga pesteng lamok.

Dagdag pa ng kagawaran, magpakonsulta kaagad sa doktor kapag nakaramdam ng mga sintomas ng dengue gaya ng lagnat, pagsusuka, at pananakit ng ulo at kalamnan.

– Ulat ni Francis Orcio, Patrol ng Pilipino
Produced with Mary Dei Torres
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT